Kay sarap isipin na ako’y mahal mo pa Pag-ibig mo’y hindi nagbago mula sa simula Kahit minsan ay mayro’ng humahadlang sa atin Tamis ng pag-ibig ay ‘di nagpadaig
Puso ko’y sumasaya sa tuwing kapiling ka Pag-ibig ko’y ‘di maglalaho ‘pagkat mahal kita Kahit minsan ay nagtatampo ang aking puso Halik at yakap mo ang siyang ligaya ko
Ikaw ang pag-ibig kong tunay Walang hanggan Ikaw lamang sa buhay ko ang nagpapasaya Ikaw ang pag-ibig kong tunay Walang hanggan sa dulo ng aking mundo Ikaw lang at ako…
‘Di ko ipagpapalit ang ating pag-ibig Ang pagmamahalan nati’y tapat hanggang langit Kahit minsan ay tinutukso ang aking puso Akoy tapat sa ‘yo, tulad ng pag-ibig mo
Ikaw ang pag-ibig kong tunay Walang hanggan Ikaw lamang sa buhay ko ang nagpapasaya Ikaw ang pag-ibig kong tunay Walang hanggan sa dulo ng aking mundo Ikaw lang at ako…
Kahit minsan ay tinutukso ang aking puso Ako’y tapat sa ‘yo, tulad ng pag-ibig mo
Ikaw ang pag-ibig kong tunay Walang hanggan Ikaw lamang sa buhay ko ang nagpapasaya Ikaw ang pag-ibig kong tunay Walang hanggan sa dulo ng aking mundo Ikaw lang at ako… Ooh…