Tindero – Gloc-9

Basta merong bibili
Lagi akong may paninda na nakatabi
Dapat una sa pila hindi ako pahuhuli
Walang nang pero pero at walang kasi kasi
Ang dahilan ay para lamang sa mga bingi
Lagi akong may paninda na nakatabi
Dapat una sa pila hindi ako pahuhuli
Walang nang pero pero at walang kasi kasi
Ang dahilan ay para lamang sa mga bingi

Alam mo na ang
Mga baraha
Na ibinigay sayo
Ng tadhana
Bawal ngumawa
Bawal din ang tumunganga
Kahit mahina na ang apoy
Ingatan mo ang baga
Kaya sige
Humalige
Pwestuhan
Ng maige
Para hindi ka pag pyestahan
Mamimili
Ka ng mga tatambayan
Huwag ka agad mag titiwala
Taga san ba yan

Kaya tandaan
Mo lahat
Mistulan na
Mga pamagat
Kahit makinang
Ang pabalat
Iwasan na basta ka na lamang kumakagat

Baka nilason ang baso ng atraso
Yan ang kaso pero wala namang bago
Matatalo ang kabado
Na sundalo
Gera sa ibabaw ng entablado
Kahit buo man o barya ako’y may panukli
Taliaan ng goma kasi mahirap itupi
Malutong makapal di madali
Sa panahon ngayon wala kong oras mag atubili
Mag usap tayo pag dala mo na yung sakin
Bawal dito ang sagot na di mo akalain
Napaka tagal na panahon na mahiyain
Di na siguro masama na samin mo ihain
Bunga ng puno
Diniligan
Binungkal mo na lupa napakatigang
Sino ang pasimuno hindi ako yan
Taga gapas lang ng talahib upang mabalikan
Ng maayos walang galos
Tumingin
Sa malayo makisalo sa piging
May respeto kung sino man ang The King
Nawala narito umalis dumating

Basta merong bibili
Lagi akong may paninda na nakatabi
Dapat una sa pila hindi ako pahuhuli
Walang nang pero pero at walang kasi kasi
Ang dahilan ay para lamang sa mga bingi
Lagi akong may paninda na nakatabi
Dapat una sa pila hindi ako pahuhuli
Walang nang pero pero at walang kasi kasi
Ang dahilan ay para lamang sa mga bingi

Lagi akong may paninda na nakatabi
Dapat una sa pila hindi ako pahuhuli
Walang nang pero pero at walang kasi kasi
Ang dahilan ay para lamang sa mga bingi
Lagi akong may paninda na nakatabi
Dapat una sa pila hindi ako pahuhuli
Walang nang pero pero at walang kasi kasi
Ang dahilan ay para lamang sa mga bingi
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20