Gloc-9 Pano ba sumulat Ng letra upang ang mga Mata ay mamulat? Gloc-9 yung nakakagulat At lahat ay gustong umakbay sayong balikat

Kung walang asukal sa kape Dapat makale Kahit na ano pang ingay dyan ok lang kami Kapag merong makikiraan ay tumatabi Papel at panulat sa kamay ang aming pambili Sa tindahan ng buhay lagi naming pambayad Nagsawa nako sa gulay lalakad lang ng banayad Buhat-buhat ang karne mga kamay na may lamat ang nakaguhit sa palad Ay prenong di sumasayad Mabilis mabangis palihis man ang alon natuto nang sumagwan sa bangka na walang tapon Nainis sa panis na diniss mo kahapon Piliin ang laban at ang papatulan na hamon Dahil di kailangang patunayan ang sarili sa taong ang pinangungusap lang ay gitnang daliri Ang sayo ay sayo kahit na di ka mapili Basta handa kang lasahan kahit ang nakakadiri
Gloc-9 Pano ba sumulat Ng letra upang ang mga Mata ay mamulat? Gloc-9 yung nakakagulat At lahat ay gustong umakbay sayong balikat
Gloc-9 Pano ba sumulat Ng letra upang ang mga Mata ay mamulat? Gloc-9 yung nakakagulat At lahat ay gustong umakbay sayong balikat
Mag tanim ay di biro Puwede kang matibo Pag lusong mo sa putik Kailangan kang maligo Ano mang iyong piliin dapat mahalin At huwag kalimutang gawin ang takdang aralin
Di madali mahirap pinag hirapan ko yun buhayin ang kulisap Sa kamay na nakakuyom Intindihin ang sinabi sa tenga nang pabulong Alam mo kung san liliko kahit hindi ka lumingon Luwagan mo ang kapit nang hindi ka bumibitaw aralin ang sinapit Ng mga unang gumalaw Huwag mong ihain ang kanin kung ang sinaing ay hilaw lalo na Kung alam mo ang nag luto ay ikaw Ang gusto kong sabihin ay napaka simple lang Di mo dapat pinapakinggan ang imposible yan Kapag meron kang naipon at alam mo kung ilan Pumunta ka sa palengke sabihin mo pagbilan Basta manahimik ka lang pag di ka kinakausap Inuupuan ang silya hindi ito binubuhat Mag suot ka ng relo iwasang maging makunat Pag hindi ka dumating sa oras Yan ang mauulat