Laging salat sa salapi Sugat na kay hapdi Bubong ang puro tagpi Pawis na di makubli Kalye at lansangan Ang hapag kainan Laging natitikman Mga tira-tirang ilan
Sino (sino) sino (sino) Ang tunay na pulubi? Sino (sino) sino (sino) Ang tunay na pulubi? Sino (sino) sino (sino) Ang tunay na pulubi? Sino (sino) sino (sino) Ang tunay na pulubi?
Silang mga nasa kalsada madumi ang damit Malamang wala pang ligo minsa’y punit-punit Hindi lang ang kasuotan ‘no kung ano ang bitbit Madalas ay kalooban na may tangan na sakit Hinanaing, sino ba’ng may kayang magpagaling Lakad kami ng lakad ba’t ang hirap makarating Laging nasasalubong di naman lilingunin Gano katalas ang kahirapan subukang salatin Ng malaman suotin mo ang tsinelas na patid Ko sa tuwing lalagnatin ang bunso mong kapatid Sa maginaw na gabi o tanghaling tag-init Kami lang ang tabi-tabi yayakapin lang ulit Kahit ganito ang buhay kami ay sama sama Karton sa kalsada’y mistulang malambot na kama Kalarong mga anak at katuwang ang asawa Oras ay ang tunay na kayamanang napapamana
Sino (sino) sino (sino) Ang tunay na pulubi? Sino (sino) sino (sino) Ang tunay na pulubi? Sino (sino) sino (sino) Ang tunay na pulubi? Sino (sino) sino (sino) Ang tunay na pulubi?
Palasyo mansyon (matayog na bahay) Negosyo ambisyon (kay daming alalay) Iba’t ibang bansa (makapal na alahas) Laging destinasyon (di ka ba nangangalay?) Di mabilang na pera (animo’y pabuyang) Matatag na karera (takot na magkulang) Kaya mong mabili, lahat ng nasayo Sana wala kang binebenta
Pero sa kasagsagan ng pagtamasa mo nito Minsan ba’y tumigil at tinanong ang sarili mo Naiintindihan mo bang lahat ng sinasabi ko? Isang sagot na diretso at di ka malilito Kayang itago ang apoy kaso hindi ang usok Pag nagmamadali malalim ang tibong tumusok Sa magarang sapatos ng paang puno ng bubog Nakahiga sa karangyaan di naman makatulog Ngayon ay nasa ospital may karamdamang malala Na minsan ang pinakamalungkot ay ang mahal na kama Wala ang mga anak at katuwang na asawa Oras ay ang syang tunay na kayamanang napapamana
Laging salat sa salapi Sugat na kay hapdi Bubong ang puro tagpi Pawis na di makubli Kalye at lansangan Ang hapag kainan Laging natitikman Mga tira-tirang ilan
Sino (sino) sino (sino) Ang tunay na pulubi? Sino (sino) sino (sino) Ang tunay na pulubi? Sino (sino) sino (sino) Ang tunay na pulubi? Sino (sino) sino (baka tayo)