Bata pa lamang noon Nang una kong madinig Mga salita na tugma na galing sa aking bibig Gusto ko ding maging ganon Teka muna kaya ko ba May maluwag na pantalon Hiram ko sa aking ina Taon na nobenta idos Lagi akong nakakulong Kahit sa silid aralan Ako ay bulong ng bulong Mataas na paaralan natapos kaya lumuwas Tindahan sa may isetan Palagi lang nasa labas Baka masilayan ang hari Kaso di ako pinalad Kelan kaya mababawi mga taya ko na nilahad Di uso ang bilangan Basta kasa lang ng kasa Kahit na mapag iwanan Pilitin mong makapasa Wag mong sisihin ang iba kung meron kang di naabot Kapag katabi ka nila huwag kang masyadong malikot Kasi nga siksikan sa jeep Sa biyahe ng pagkamakata Madami nang napabilib Dyan sa mga maling akala Mabalik tayo sa kwento Sumali ako sa radyo Masyadong daw ginanahan Kaya hindi ako nanalo Hanggang saking nakilala isa sa mga kilala Akoy ipinakilala aking silang nakasama Kaso isa’y umalis dalawa kaming natira Medyo di nakatiis kaya kumuha pa ng iba Mga napagkasunduan sa ere napag iwanan Sabi ko pera lang yan sabi niya diyan ka nalang Akala ko ayaw ko na Tila ako’y nadala Hinanap-hanap ko parin ang sumulat ng mga tula Kaya sinubukan muli Hindi naging madali Para bang lahat ng mga ginagawa’y puro mali Tinatanong aking sarili Tama bang aking pinili Galon-galong pinainom Pero di ka puwedeng umihi Deka-dekadang laan Sige para-paraan Hanapin ang oo kahit na ikaw ay dinadaganan Ng isang toniladang hinde Pag nadapa bangon uli Ipunin ang mga sukli Pantayin lahat ng tupi Ulitin mo nang ganito Di naman nakakalito Kung meron akong natutunan Pakatandaan mo ito O sige heto ang lapis Isulat mo sa papel Dapat di kulang o labis Sabi ni Aristotle Saluhin mo ang hinagis Lundagin mo ang pader Dapat gawin mo ng tama kung gusto mong pumapel May mga panalo na talo May mga talong panalo Piliing mabuti Kung pano ka maaalala ng tao Pwedeng sikat ka agad pero sino ang tinungtungan Nang lait ka daw ng iba dun ka ba matatandaan Napakaraming magaling Yung tipong nakakaaning Ganon ba kababaw ang dagat Nag aagawan na pating Kailangan pa bang patunayan Tapos ikaw pang pumuna Alam mo naman ang daan hayaan mo silang mauna At sa mga maling gawa Dapat ikaw ay madala Hindi dahil kayang gawin ay palagi mong ginagawa Binabanggit ko ito Nakakatanda ko sayo Madaming beses ko nang binuksan naka kandadong pinto Hindi mo pa hawak ang susi heto puwede mong hiramin Mag aral ka munang makiusap sa harap ng salamin Pag uunahin ang angas walang makukuhang mabuti Kahit na gaano katalas Ay kakalawangin sa putik Hindi puwedeng ikumpara ang magsasaka sa mga Kumakain ng kanin at ulam binili sa karinderya Kasi luto na lahat talop na mga balat Lulunukin mo nalang di na kailangan kumagat Pero huwag kang malito Sa mga naririnig mo Lahat ng aking nalakaran ay gusto kong marating mo Hindi naman ito akin ito ay para sa lahat Mga sinulat mo na awit sarili mo ang pamagat Lunukin ang mga dura Baraha na puro buta Dadalin ka rin sa malayo mga ginawa mong tula Palagi kang kakamayan Malayo may ngingitian Masigabong palakpakan Pagkatapos ikay hihiyawan Ibulsa mo sa iyong puso Huwag na huwag dyan sa kukote Pag dating ng pagsusulit baka lamang mangamote Gising nang ala sais Pauwi na nang alas tres Tuyo nang labada kaya tulog na bago mag alas diyes Palagi kong sinisipagan Dahil aking nalalaman Sarili natin ang pinakamabigat nating kalaban Teka muna kaibigan Huwag kang mag padalos-dalos Dahil di magaan ang lumangoy ng salungat sa agos Hindi mo maihatid At tuluyang sumampid Matayog na saranggolang lumipad kaso lang napatid Kaya sa makatuwid Sana’y iyong mabatid Ang lahat ng nadinig ay simpleng payong kapatid