Tanggapin ang hamon Buhay mo man ang siyang nakataya Lumaban at bumangon Walang abot kapag nakahiga Sumalungat sa alon Kahit panulat lang ang baon
Mga letra sa papel na isinulat Aking mga saloobin na binubuhat Habang lumulusong sa kumunoy At maiahon ang bayan na darang sa apoy
Aking ina kumusta ka na Sa aki’y wag ka mag-alala Kahit ako’y nawalay sa’yo Ang nais ko ay malaman mo na
Salamat dahil ikaw ang kauna-unahan kong guro Sa napakaraming bagay na inyong itinuro Sa akin at sa lahat ng aking mga kapatid Kahit madilim ang gabi ay kandila sa silid Tagadala ng liwanag pag ako’y nagbabasa Nais ko lamang ay masagip ang iyong mga mata Nalaman kong karunungan ay ‘di dapat duwag Nang mapatunayan kong minsan ang katarunga’y bulag Kahit gaano kalupit ang sa iba’y ating sinapit Pag may galit at pait, sa pagmamahal ka kumapit Yan ang sabi mo sa akin nang isip ay ibinukas ‘Di kailangang gumamit ng dahas upnag maka-alpas
Kulay kayumanggi man ang aking binhi Hindi magkukubli paglalaban ang lahi Pag-ibig na taglay aking isinabuhay Abutin ang tagumpay kahit pa hanggang hukay
Ang kalayaan mo at kalayaan ko Ang kayamanan nitong bayan ko Ang kalayaan mo at kalayaan ko Ang kayamanan nitong bayan ko
Tanggapin ang hamon Buhay mo man ang siyang nakataya Lumaban at bumangon Walang abot kapag nakahiga Sumalungat sa alon Kahit panulat lang ang baon