Minsan mas mahal pa ang luma Mas nilalapitan ang mura Huwag na huwag kang magpapahadlang Na makamit ang nais mong makuha
Nandito nanaman ako Bitbit ang bagong sulat ko Ibabahagi sainyo Saglit po lang naman ito
Ikaw ba ay nalulumbay At tila di makasabay Sa agos na tumatangay Gamitin mo akong tulay
Simula nang piliin ko ang landas na dapat tahakin ay kailanma’y ‘di na’ko bumalik Naiwanan man ng iba na ‘di ko akalain ay medyo mahangin Sa paanan ay dapat humalik Di ko kaya Ni minsan ay hindi ko dinaya Marunong akong magpaubaya Kung hindi mo pa talaga oras Initin nalang ang sopas At bilangin mo ang lahat ng biyaya Makukuha mo rin ang sa’yo Ang sa’yo ay sa’yo Kahit na ano pa man Ihanda mo na ang pang salo May manggulo mang sanggano Kahit na sino pa ‘yan Tandaan mo ang lahat ng aking sinabi Hawakan palagi Dahil ito ang siyang mag tatawid sa’yo Kahit na maputukan ka ng labi Basta lumagari Talasan ang tari Tuwing maririnig mo ‘to Ang bago ni Gloc
Minsan mas mahal pa ang luma Mas nilalapitan ang mura Huwag na huwag kang magpapahadlang Na makamit ang nais mong makuha
Minsan mas mahal pa ang luma Mas nilalapitan ang mura Huwag na huwag kang magpapahadlang Na makamit ang nais mong makuha
Wala naman masama sa maging mahusay Maipakita mo na ikaw ang may taglay Sa huli ang isang mahalagang tanong ay Alam mo ba kung ano ang tunay na tagumpay
Hayaan mo na pabaunan kita ng ilang pirasong tinapay bago ka pa man umalis ‘Di ito usapan kung sinong pinakamabilis Kung may maka lamang sa’yo ‘di ka dapat mainis Bagkos ay ikatuwa mo Gamitin mo upang ang baso moy malagyan ng laman Kunin mo sa mga may duda sa’yong kakayahan Bumangon ka diyan upang ‘di tuluyang madaganan Para pawisan kailangan mong kumilos Kasi sa panahon ngayon bihira nang puro bigay Bakit tayo tinitipos Kapag nauutusan natin ang mga nanonood na mag-ingay Palakpakan at sigawan Ang tangan na yaman ng mga tulad nating makata Tama na ang yabang hip-hopang Hidwaan putik lang ang siyang mapipiga Sinong matiyaga
Naiinip na maghintay Pagod na sa paghuhukay Kung ang hakbang mo ay ngalay Gamitin mo akong saklay
Minsan mas mahal pa ang luma Mas nilalapitan ang mura Huwag na huwag kang magpapahadlang Na makamit ang nais mong makuha
Minsan mas mahal pa ang luma Mas nilalapitan ang mura Huwag na huwag kang magpapahadlang Na makamit ang nais mong makuha
Akala mo tapos na Mga tuhod ay ngalos na Sa mainit na baga tinusta Kanino pumusta Sinong kasama sa nilista Mga di naniwala kumusta Di mo ba alam Hanggang diyan ka lang Ang laging laman Ng mga salita na pinalaman Anong tinatayo mo diyan Sige kalagan Dapat palaban Nakahanda ka dapat na halikan Kahit sa mga makamandag ay lumapit Mataas mang sipatin ay abutin mong bigla Hindi masamang sumabit Dito ka sa kaliwa man o sa kanan Puwede rin sa gitna Ganyan lang ang buhay Ang mahusay humandusay ang mga napagbibigyan Tumayo kahit sumuray Ang dugo ay siyang patunay Mo na pag ibig ‘yan
Hindi na kailangan na patunayan Balewala ‘yan Kung ‘di kinaya May pagkakataon pa naman Kahit na ikaw ay mapilayan Ang ‘yong kalagayan Ay nakasalalay Saan mo pinatong ang pinggan Para meron ka pang magamit Kung galit man ang langit Di ka mabasa ng ulan Ginawin ka sa gabi na malamig Wala nang nakakaring Sigaw mo ng pagkagipit Palagi kang pinapagtaksilan Sino tandaan mo lang