Paano ba tayo umabot dito? Nagsawa na lang ang iyong puso Biglang tinigil ang lahat ng meron tayo Bakit nga ba nagkaganito Napagod na sa kahihintay Pasensya na kung anong gusto mo Hindi ko maibigay
Akala ko habang buhay plano Matagal na palang nanlalamig Ang pag ibig mo Umasa lang na kahit paano, tayo hanggang dulo Kasi yun naman talaga ang pinangako mo
Oh, paano ako magiging okay nito? Kung walang ibang laman ang isip kundi tayo Biglang madamot na ang iyong mga ngiti Wala namang nagawang mali Lahat ng napag usapan biglang lumabo Pero kahit anong sama ng loob Di pa rin susuko sayo
Paano ba magpaalam Sa taong di nalang bigla nagparamdam Na parang wala nang pakialam Sa totoo lang, hindi na alam kung anong dapat kong maramdaman Ba’t ako lang ang nahihirapan dito?
Oh, paano ako magiging okay nito? Kung walang ibang laman ang isip kundi tayo Biglang madamot na ang iyong mga ngiti Wala namang nagawang mali Lahat ng napag usapan biglang lumabo Pero kahit anong sama ng loob Di pa rin susuko sayo
Paano mo kaya nakayanang gawin to sakin? Paano? Paano? Paano mo nagawang oras ko’y sayangin? Paano? Paano? Paano mo kaya nakayanang gawin to sakin? Paano mo nagawang oras ko’y sayangin?
Paano mo nakuhang maging masaya pa rin habang ako’y lumuluha?