Kalmado Part 4 – Omar Baliw (feat. Rhyne)

Kami ngayon ay kalmado lang
Non-stop at nagbibilang
Hindi mapigil at kumikinang
Ngayon sila na yung nangingilag
Panatag at naglilibang
Paa sa lupa at hindi lutang
Hindi mapigil at kumikinang
Hindi mapigil at kumikinang
Kami ngayon ay kalmado lang

Ugh, yung dahan-dahan tingnan mo inabot
Kitang kita ang epekto ngayon kakilabot
‘Di tumigil sa paghabol gang mahanap na
Tila ibon sa bulate, dapat ay maagap ka
Ako’y napagod din, tulad mo, tao lang
Kung ‘di ko tinuloy, resulta nun ay talo lang
Pati pato na lahat, ito’y sagad sagad
Tiyaga tiyaga lang muna kase nga hindi agad agad
Tahimik nagdasal; humiling ginalawan
Kahit na anong tunog, pilit kong sinayawan
Hindi inayawan, diretso, ‘di nag alangan
Patuloy lang ginalingan, hindi lang din inabangan
Kung san nagkulang dati ngayon ay tinambakan
Bawat aral sa daan matik na tinandaan
Nagpatuloy lang at lalo lang tinindihan
Nag aapoy lahat ngayon kase aking sinindihan

Patuloy na magbibigay liwanag sa dilim
Nang sa ganun makita kung hirap mong tanawin
Daming mga pangyayari na kay hirap tanggapin
Ngunit kinakailangan mo na ituloy pa rin
Nang dahil sa mga letra
Nakawala sa pagkagapos sa kadena
Sinusubok man minsan ng mga nega
‘Di nagpatalo bagkos kami’y pumareha, kaya

Kami ngayon ay kalmado lang
Non-stop at nagbibilang
Hindi mapigil at kumikinang
Ngayon sila na yung nangingilag
Panatag at naglilibang
Paa sa lupa at hindi lutang
Hindi mapigil at kumikinang
Hindi mapigil at kumikinang
Kami ngayon ay kalmado lang

Ugh, walang iba, ganun pa rin
Kung san man nanggaling, yung puso ko: andun pa rin
Walang nagbago basta lahat ay tutuparin
Kahit pa madami mang humarang ay tutok pa rin
Daming sakripisyo tila ba naging puhunan
Hanggang dulo yun at yun aking pinagtuunan
Kasi alam ko sa sarili nga na darating
Gagawin lahat at balang araw may mararating
Sarap ng buhay ay malalasap
Parang panaginip pero tunay na nagaganap
Kung dati ay naghahanap, ngayon ay natagpuan
Binagyo ng biyaya, ang hiling lang ay maambunan
Dami kong aray, tang ina, pero ‘to ay naging sulit
Handa ang pagkatao, batuhin man ilang ulit
Hindi tinablan, hindi na din sumablay
Kaya sa byahe ko ngayon ay pwede kang sumabay

Patuloy na magbibigay liwanag sa dilim
Nang sa ganun makita kung hirap mong tanawin
Daming mga pangyayari na kay hirap tanggapin
Ngunit kinakailangan mo na ituloy pa rin
Nang dahil sa mga letra
Nakawala sa pagkagapos sa kadena
Sinusubok man minsan ng mga nega
‘Di nagpatalo bagkos kami’y pumareha, kaya

Kami ngayon ay kalmado lang
Non-stop at nagbibilang
Hindi mapigil at kumikinang
Ngayon sila na yung nangingilag
Panatag at naglilibang
Paa sa lupa at hindi lutang
Hindi mapigil at kumikinang
Hindi mapigil at kumikinang

Kami ngayon ay kalmado lang
Non-stop at nagbibilang
Hindi mapigil at kumikinang
Ngayon sila na yung nangingilag
Panatag at naglilibang
Paa sa lupa at hindi lutang
Hindi mapigil at kumikinang
Hindi mapigil at kumikinang

Kalmado lang
Kalmado lang
Kalmado lang
Kalmado lang
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20