K & B – CLR & Omar B.

(Dugo’t pawis ang binuhos sa umaga pa lang
Para maging kalmado sa gabi habang naglilibang)

Salamat sa mga hindi lumisan
Alam ko nagkamali rin ako minsan
Galaw ko ngayon akin nang pinagiisipan
Habang pinipintahan

Itong blankong papel
Demonyo na may pagkaboses anghel
Gamit ko ay lapis hindi na kailangan pa ng baril
Proseso ng aming utak ay hindi niyo
Maiintindihan kung hindi niyo kami kalevel
Hmmm, Nasan kayo nung kami ay huma hustle?
Ngayong imperyo na ang dating kartel

(Nasan ka non?) Nung ako ay nadapa
(Nasan ka non?) Nung ako’y walang wala
(Nasan ka non?)
Nung ako’y nasa baba hindi kita mahagilap
(Nasan ka non?) Nung ako ay nadapa
(Nasan ka non?) Nung ako’y walang wala
(Nasan ka non?)
Nung ako’y nasa baba hindi kita mahagilap nasan ka non

Kahit ang daming humahamon
Patuloy bumabangon
At kahit bumaha non
Patuloy umaahon
Walang makakapatid
Tunay habambuhay magkakapatid
Sumubok kahit na suntok sa buwan
Tuloy lang di napagod magsagwan
Sa daming naranasan natuto na
Hindi pwedeng galit ang nauuna
Pag bumagsak ka dyan ang daming matutuwa
Positibong magisip hanggang kaluluwa

Negatibo isantabi
Simutin ang nalalabi
Positibo lang palagi
Hinding hindi nagmamalaki
Dugo’t pawis ang binuhos sa umaga pa lang
Para maging kalmado sa gabi habang naglilibang

Pati pato’t panabla lahat ay tinaya
Binuhos kong lahat hindi na tinansya
Nalulong sa proseso, adik sa resulta
Dating hindi maintindihan para bang reseta
Nung tinamad silang lahat kahit pagod ay nagsipag
Yung iba ay naglibang habang ako ay nagtibag
Ng daan pinatag para byahe ay panatag
Kalmado at banayad imposible na mabasag
May sariling liga, respeto hindi siga
Nangangating mga kamay para bang may higad
Kulang isang araw isuot mo ang sapatos ko
Sa dami ng diskarte malabo ng matapos to
Pagmamahal sa ginagawa hindi ka niyan ililigaw
Lulubog o lilitaw tama lang isisigaw
Walang sikreto dito di kailangan na maglihim
Magtanim ng puno kaya ngayon ay malilim

Negatibo isantabi
Simutin ang nalalabi
Positibo lang palagi
Hinding hindi nagmamalaki
Dugo’t pawis ang binuhos sa umaga pa lang
Para maging kalmado sa gabi habang naglilibang

Kung akala nila di mo kaya iyon
Diretso lang lakad wag ka ng lumingon
Madaming tanong nakakalito
Kung pano makuha nasa sa iyo
Kung akala nila di mo kaya iyon
Diretso lang lakad wag ka ng lumingon
Madaming tanong nakakalito
Kung pano makuha nasa sa iyo

Negatibo isantabi
Simutin ang nalalabi
Positibo lang palagi
Hinding hindi nagmamalaki
Dugo’t pawis ang binuhos sa umaga pa lang
Para maging kalmado sa gabi habang naglilibang

Negatibo isantabi
Simutin ang nalalabi
Positibo lang palagi
Hinding hindi nagmamalaki
Dugo’t pawis ang binuhos sa umaga pa lang
Para maging kalmado sa gabi habang naglilibang
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20