Hindi man ikaw at ako Sa kabanatang lagi akong talo Kayo ang bida, ako ang kontrabida Sa kuwentong lagi na lang akong umaasa
Mananalangin sa May-Akda Baka sakaling may magawa Ang kapalarang ‘Ikaw-Ako’ Sana nama’y itadhana
Maghihintay pa rin itong puso ko Mag-aabang hanggang maging tayo Sakali mang hindi pa pagkakataon Baka bukas na ang tamang panahon Maghihintay ako hanggang sa wakas
‘Di man ikaw at ako Sa mga kuwentong wala sa kuwadro Sa mga istoryang bitin at alanganin Ng mga nobela, komiks at magazine
Mananalangin sa May-Akda Baka sakaling pagbigyan Ang kuwentong ‘Ikaw-Ako’ naman Ang aabangan, tutunghayan
Maghihintay pa rin itong puso ko Mag-aabang hanggang maging tayo Sakali mang hindi pa pagkakataon Baka bukas na ang tamang panahon Maghihintay ako hanggang…
Sa dulo ay lalaban Walang alinlangan Patuloy lang ako Kahit na maubusan ‘Di papatalo Makuha lang ang gusto ko
La la la…
Maghihintay pa rin itong puso ko Mag-aabang hanggang maging tayo Sakali mang hindi pa pagkakataon Baka bukas na ang tamang panahon Maghihintay ako Maghihintay ako Maghihintay ako Sa wakas