Tingin sa iyo’y isang putik, larawan mo’y nilalait Magdalena ikaw ay ‘di maintindihan Ika’y isang kapuspalad, bigo ka pa sa pag-ibig Hindi ka nag-aral, ‘pagkat walang pera
Kaya ika’y namasukan, doon sa Mabini napadpad Mula noon, binansagang kalapating mababa ang lipad
Hindi mo man ito nais, ika’y walang magagawa ‘Pagkat kailangan mong mabuhay sa mundo Tiniis mo ang lahat, kay hirap ng kalagayan Ang pangarap mo, maahon sa hirap
Kaya ika’y namasukan, doon sa Mabini napadpad Mula noon, binansagang kalapating mababa ang lipad
Magdalena, ikaw ay sawimpalad Kailan ka nila maiintindihan Magdalena, ikaw ay sawimpalad Kailan ka nila maiintindihan Magdalena, Magdalena
Ibig mo nang magbago at mamuhay na nang tahimik Ngunit ang mundo’y sadyang napakalupit Hanggang kailan maghihintay, hanggang kailan magtitiis Ang dalangin mo, kailan maririnig
Magdalena, ikaw ay sawimpalad Kailan ka nila maiintindihan Magdalena, ikaw ay sawimpalad Kailan ka nila maiintindihan Magdalena, Magdalena