Pasimple lang ko na tinatanong ka Padaan daan lang kahit nasa harap na Ang hirap sumabay kase ang dami nila nag aantay sayo oh (Di mo lang nahahalata)
Ano bang laban ko gitara lang ang dala Hindi maporma at ang pera lang ay lima Wala akong rosas tsokolate at kung Ano pang mabibigay sayo ohh ohh
Di makasingit sa daming hadlang Di makalapit at aawit nalang Sa pag tipa ng gitara Mapansin mo sanang nandito ako pero ohh
Aking damdamin pipi-gilin nalang Kung sasabay ay alanganing mapa sakin ka lang Sana dami nilang nandyan idadaan ko na lang sa harana Sakaling marinig mo lang sana Ang di masabi inaawit na lang At palihim na umaasang mapansin mo na lang Walang lakas ng loob panay tutog ko na lang sa gitara Sakaling marinig mo ang harana
Gabi gabi naka dungaw sa bintana gumagawa ng awit Tino-nohan sa gitara Ang larawan mo ang tangi kong ligaya Umaasa sa iyo’y sana meron akong pag-asa
Pero mukhang malabo na ata ang gusto kong mangyari Daming nakapila sayo para sa puso mo’y maghari Baka pag sumubok pako ay lalo lang mayare Sa kanila di ako nababagay na mapasali
Pwede bang sa panaginip na lang basta makapiling ka lang Wala maipag mamayabang kasi ako’y ito lang Pagpasensyahan mo na ako kung nahihiyang sabihin Nararamdaman sayo’y naiilang sa awit na binuo Ikaw ang inspirasyon kaso lang ang tayo isa lang imahinasyon Ang aking harana nagsilbing imbitasyon Sana ikaw makita ko sa aking destinasyon
Aking damdamin pipi-gilin nalang Kung sasabay ay alanganing mapa sakin ka lang Sana dami nilang nandyan idadaan ko na lang sa harana Sakaling marinig mo lang sana Ang di masabi inaawit na lang At palihim na umaasang mapansin mo na lang Walang lakas ng loob panay tutog ko na lang sa gitara Sakaling marinig mo ang harana
Pasilip silip lang at tinatanaw ka ah Naghihintay kelan ulit na dadaan ka ah Sa pag awit ng sinulat mo na kanta naghihintay ako ohh Nag aabang lang kung sakaling lalapit ka pa ahh Kung manliligaw bakit tinatago mo pa Kahit pa sino o kahit madami sila Ikaw lang ang gusto
Bat’ di lumalapit bat’ di mo ramdam Na iniisip ng di mo alam Sa pagtugtog ng gitara makita mo sanang nandito ako pero
Sayo ‘y palagi bang nag aabang lang Hindi mo ko madadaan sa pakiramdaman lang Madami man sila dyan ay hanap hanap parin ang harana At sakin sabihin na sana
Ang di masabi inaawit na lang At palihim na umaasang mapansin mo na lang Walang lakas ng loob pana’y tugtog ko na lang sa gitara Sakaling marinig mo ang harana