Pwede bang malaman, ang iyong dahilan? Biglaan mong paglisan, di napaghandaan Hindi sana nasaktan at naguguluhan Nasan ang pagibig na aking inaasam? Yeah
Inakala na makakasama ka Hanggang sa duloy ‘di mawawala ‘Di na sana naniwala sa iyong mga salita na tila nag iba
Sa umiikot kong isip sa gabi Yakap aking unan na tanging katabi Inaasam ang pag-ibig na para sa akin
‘Di na nasundan, ang kabanata natin Kahit ilang beses pang ulit ulitin Mga ala ala nating dalawa’y pinipilit ko paring limutin kahit na
Sa gabi ay pumapatak ang luha Sa umaga’y napapatulala Halo halong emosyon Hinahanap ang rason, kung bakit bigla kang nawala
Hindi ko inakala na, ‘Di ko na muling mahahawakan pa Ang iyong kamay na sakin ay binibigay kapag ako’y nalulumbay at ‘Di na sana umasa sa Mga pangako mo sa’kin, Mga pangako natin Ating Pag-ibig na dapat hindi nawala
Sa umiikot kong isip sa gabi Yakap aking unan na tanging katabi Inaasam ang pag-ibig na para sa akin
Sana’y hindi nalang kita nakilala Sana’y mabura lahat ng ala ala Dahil sa tuwing naiisip kita, ako’y naluluha
Aah aah aah aah
Sa umiikot kong isip sa gabi Yakap aking unan na tanging katabi Inaasam ang pag-ibig na para sa akin