Akala Maling Akala – Angela Ken (from “2 Good 2 Be True” soundtrack)

Hindi ko alam
Na ikaw pala ang dati ko pang panalangin
Bakit ngayon ko lang napansin
Ah, dahil kasi nga
Di naman kita hinanap o kung saan man hinagilap
Basta naramdaman na lang bigla at nagwala…

Ang puso ko para sa’yo
Hindi ‘to planado, kung inaakala mo
Basta’t huminto din ang aking mundo
At puro pangalan mo ang nakatatak sa isipan ko

Akala ko maling akala, ‘yun pala ay tama…
Tinamaan na pala sa’yo

Nagduda rin ako nung una
Kung ikaw ba talaga
O ang puso’y parang namamalik-mata lang
Dahil baka nga
Umaasa lang sa wala
Pero iba ang kalabit ng puso’t isipan
Nahulog na ngang tuluyan
Hayy, basta’t naramdaman na lang bigla at nagwala…

Ang puso ko para sa’yo
Hindi ‘to planado, kung inaakala mo
Basta’t huminto din ang aking mundo
At puro pangalan mo ang nakatatak sa isipan ko

Ngayon ay sigurado na
Kahit sa kinabukasan ikaw ang natatanaw
Na kayakap, kapiling
Masilayan paggising
Sa bawat umaga na paparating

Ang puso ko’y para sa’yo
Hindi to planado, kung inaakala mo
Basta’t kumulay bigla ang aking mundo
At puro pangalan mo ang nakatatak sa isipan ko

Akala ko maling akala, yun pala ay tama…
Tinamaang malala sa’yo

Akala ko maling akala
Yun naman pala ay tama
Akala ko maling akala
Akala ko lang pala
Akala ko maling akala
Yun naman pala ay tama
Akala ko maling akala
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20