Kada hakbang sa lupa’y para akong inaalon At nalulunod sa batikos ng mundo Sa kung ano lamang ang kaya ko
Pigang-piga na sa mga problemang ‘di masolusyonan agad Parang wala ng bukas, pwede bang umiwas? Hinahanap ang sarili ngunit ‘di na Kakayanin sa ligaw na dinadaanan ko ‘San na ‘to patungo? ‘San na ‘ko patungo?
Dahan-dahan nating simulan muli ang pag-hakbang Dahan-dahang tumingin sa salamin upang makita ang ating kagandahan Dahan-dahang iangat ang mukha upang masilayan ang payapang kalangitan Oo, pagod ka na Pero ‘di ka nag-iisa Kaya’t lumaban ka At sabihing, “Ako naman muna”
Kada langhap sa hangin pansin ko na lagi nalang usok Walang malinis halos puro polusyon, parang ako raw na konsumisyon Gulong-gulo ang isip ‘san ba lulugar kapag nag-kamali Grabe sila manghusga, bakit perpekto ba sila? Huminga ka ng malalim at isipin ng mabuti Ang mga desisyong ilalaan para sa kinabukasan Nang makapunta sa paroroonan kung
Dahan-dahan nating simulan muli ang pag-hakbang. (muli ang paghakbang) Dahan-dahang tumingin sa salamin upang makita ang ating kagandahan Dahan-dahang iangat ang mukha upang masilayan ang payapang kalangitan Oo, pagod ka na Pero ‘di ka nag-iisa (‘di ka nag-iisa) Kaya’t lumaban ka At sabihing, “Ako naman muna” “Ako naman muna”
Huwag papalamon sa lungkot Huwag hahayaang malugmok ang puso mo sa ibabato sa’yo ng iba Tandaan mong sapat ka
Dahan-dahang tanggalin ang maskara at Hayaang tumulo ang bumabadyang mga luha Dahan-dahang iangat ang mukha upang Masilayan ang mga taong ika’y pinapahalagahan Oo, pagod ka na Pero ‘di ka nag-iisa Kaya’t lumaban ka At sabihing, “Ako naman muna” “Ako naman muna”