Ang Awit Natin – Janine Teñoso (from “Para Sa Broken Hearted” soundtrack)

Minsan sinabi natin
Walang ibang mamahalin
Tulad ng himig ng hangin
Dati ko nang napapansin
Naririnig ko sa awit ang buhay natin
Biglang nag iba ang buhay
Nagkasundong maghiwalay
Ipilit man di na sanay
Di magtagpo mga kamay
Pangako ng awit noon ay hindi nabigay

Mahirap mangako
Na di na kita iisipin
Wala ring mapapala kung uulitin lang natin
Ngayon ay aking aaminin
Sa isip nalang kita makaka-piling
Tuwing maririnig ang awit natin

Lumipas na ang sandali
Iba na rin ang katabi
Tuwing di makatulog sa gabi
Ay inaawit kong muli
Kahit wala ka bigla ‘kong napapangiti

Mahirap mangako
Na di na kita iisipin
Wala ring mapapala kung uulitin lang natin
Ngayon ay aking aaminin
Sa isip nalang kita makaka-piling
Tuwing maririnig ang awit natin

Ngayon ay aking aaminin
Sa isip nalang kita makaka-piling
Tuwing maririnig
Tuwing maririnig
Tuwing maririnig ang awit natin
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20