Anino (2019 Version) – Up Dharma Down

Pagod na’ng mga labi kahit wala pang sinasabi
Puro minsan na lang, nakapako sa’king isipan
Tahan na, umiiyak ka na naman
Hindi ba’t ikaw din ang papahid ng luhang ‘yan

Hindi ka ba naiinis sa tuwing ika’y sinisisi?

Nakamtan ang kalayaan ko sa’yo
Habang mayroon pang nalalabing lakas, nais kong malaman mo

Heto ako, sumpang ‘di na uulit pa
Heto ako, handang-handang iwanan ka
Heto ako, mamumuhay nang mag-isa
Heto ako, ba’t nariyan ka pa

Ipagpaumanhin mo sana ang takbo ng isipan kong ito
Sadyang ganyan lang tal’ga, wala sa katwiran alam mo
Tama na tapos na ang nakaraan
Hindi na ito nararapat gawan ng paraan

Hindi ka ba nag-sasawa sa tuwing ika’y natititig sa sarili?

Ngunit ako ngayo’y muling magbabalik
Dahil lamang sa nag-iisang saglit na silayan kang muli

Heto ako, nakatayo sa iyong harapan
Heto ako, handa na atang masaktan
Heto ako, ‘di na magpapapigil pa
Heto ako, nariyan ka pa ba

Heto ako, dahil sa iyo’y gulong-gulo
Heto ako, sana’y paniwalaan mo
Heto ako, umaawit, litong-lito
Heto ako, unawain mo
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20