Apoy (feat. Third Flo’)v

Kahit na may mag pa haging
Di ako kumikibo
Pilit man nilang hatakin
Pataas kang lumayo
Pangalan mo man ay lapain
Tiyagain mong itayo
Mga mata nilay silawin
Apoy na malayo pa na maging abo

Ang dami dami ng sabi sabi
Ibang atake
Hinihimay na parang mamiso mong pamasahe
Kulang pa ang salita na nakakalalake
Dalawang taon ko na tinrabaho
Walang nangyare

Meron pala
Pero parang gasulinang gamit
Sa panahon na palaging hiram aking damit
Kanin na pinisa
Gamit na pandikit
Meron ding napala
Kasi nga makulet

Hindi ko tinigilan
Hanggang sa makuha ko
Paltos na talampakan
Kalsadang bako bako
Pitasin ang tagumpay sa puno ng bigo
Natuto na tumingala
Kahit naka yuko

Tanong koy bakit nilait lait
Ganon kalapit
Saking mukha naligo naman
Akoy bagong ahit
Parang madungis
Namalimos ng malasakit
Tinapay na pinag hirapan
May ibang dumagit

Kahit na may mag pa haging
Di ako kumikibo
Pilit man nilang hatakin
Pataas kang lumayo
Pangalan mo man ay lapain
Tiyagain mong itayo
Mga mata nilay silawin
Apoy na malayo pa na maging abo

Puwede bang mag kuwento
Ako kahit isa
Nangyare sakin nong ako ay nag uumpisa
Upang hindi manghula
Dapat makabisa
Ibig sabihin
Lahat ng nakikita nila

Ay may pinanggalingan
Bago makarating
Kung alam mo ang sagot di na dapat tanungin
Sinisante sa kumpanyang kung tawagiy bituwin
Nasimot na daw nila lahat ng puwedeng pigain
Kung usapang katas
Yan ay marami pako
Mga nakasalamuha
Taong nakatrabaho
Sumulat ng kantang lima
Na aking inilako
Tapos ay nakilala namin ni Chito si Lando
Kahit di karpintero natutong mag martilyo
At bumuo ng upuan
Ako ay pilipino
Kung may gustong sabihin sige halika dito
Walang kaso kahit na datihan ka man o bagito

Kahit na may mag pa haging
Di ako kumikibo
Pilit man nilang hatakin
Pataas kang lumayo
Pangalan mo man ay lapain
Tiyagain mong itayo
Mga mata nilay silawin
Apoy na malayo pa na maging abo

Na aalala ko nung akoy dinarag darag
Kapayapaan sa loob ko ay halos mabasag
Pero di nag patinag at nag sipag nalamang
Nangako na ang mga yan gang tingin na lamang
Apoy nag liyab nung akoy matahin
Ikat long palapag mas binigyan diin
Manigas manga nag nigas kugon
Sawakas lam na kung nasan ngayon
Ngumiti sa halip na gumanti sa bumabato
Habang hininila pababa mas lalo lang lumalayo

Humiling sa uniberso gamit berso
Gawing positibo ang negatibo sa merong atraso
Marunong mag patawad pero di nakakalimot
Ginawa kong gasolina ang sakit na naidinulot
At ngayon ay parang sigang di ma awat-awat
Bonifacio na micropono ang hawakhawak
Lalaban sa huli para sa aking pangarap
Babaon ko sa tuktok tundo. yan ang watawat
Tignan mo ngayon parang sigang di maawat

Kahit na may mag pa haging
Di ako kumikibo
Pilit man nilang hatakin
Pataas kang lumayo
Pangalan mo man ay lapain
Tiyagain mong itayo
Mga mata nilay silawin
Apoy na malayo pa na maging abo
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20