Gusto kong mabulag Makakitang muli sa mata ng bata Ngiting puno ng saya Gusto kong maging bingi Hugasan lahat ng Nadinig kong madumi Mabuti pa ang pipi Hindi kayang sumugat Gamit ang binibitawang salita
Gusto kong mabulag Gusto kong mabulag
Palakad-lakad sa kalsada tulak-tulak lagi Kariton na marupok Tuyo nang mga labi Bulag na sa kahirapan kaya ko humahawi Minu-minuto na dasal daig pang mga pari Kahit sa tanghaling tapat Nakalilom sa tabi Mabasa man ng ulan Ang malamig na gabi Piso-pisong iniipon Kahit gano kadumi Maipangbili ng bigas At agad mauwi Saming barong-barong Kahit patong-patong Mga problema’t hamon Pagkaing kalong-kalong Ang aking mga supling nakahandang bumangon Malalim mang palubugin Ako ay umaahon
Araw-araw na takot nakapikit ang mata Dito sa sugal nang buhay pang taya lang ay isa Mga pintuan na sarado ay biglang nag-iiba Pag tinitigan ang mundo sa kanilang mga mata
Gusto kong mabulag Makakitang muli sa mata ng bata Ngiting puno ng saya Gusto kong maging bingi Hugasan lahat ng Nadinig kong madumi Mabuti pa ang pipi Hindi kayang sumugat Gamit ang binibitawang salita
Gusto kong mabulag Gusto kong mabulag
Madami ang mahal nagkalat din ang mura Mga salita na halos kasing lasa ng suka Hiwain man ng punyal o gamitan man ng bala Sabi nga nila ang sugat ay mas malala pa Alin mang dumugo ay tiyak na gagaling Pero di ang galos na dulot ng Salitang matalim Manipis ang telang gamit upang yan ay salagin Kumot ng pagtingin na Hindi na puwedeng tahiin Kaya may mga sandali na gusto kong mabingi Kasi sobrang lakas ng ingay sa mundo na mapanghi Mga poste ng panlalait ang laging naka sukli ‘Yan ay maaamoy ng tenga kahit san mo ikubli Pintas na isang dakot maibato lang sa iba Puna na mas malakas pa sa baril na ikinasa Mga awiting sintunado ay biglang mag iiba Pakinggan natin ang mundo gamit ang tenga nila
Gusto kong mabulag Makakitang muli sa mata ng bata Ngiting puno ng saya Gusto kong maging bingi Hugasan lahat ng Nadinig kong madumi Mabuti pa ang pipi Hindi kayang sumugat Gamit ang binibitawang salita
Gusto kong mabulag Gusto kong mabulag
Kaibigan kailan Mo huling nasilayan ang ganda Ng mga bituwin Kaibigan kailan ka huling huminga Ng malalim Malalim At nasabi mo na ba sa kanya Na mahal mo sya…
Gusto kong mabulag Makakitang muli sa mata ng bata Ngiting puno ng saya Gusto kong maging bingi Hugasan lahat ng Nadinig kong madumi Mabuti pa ang pipi Hindi kayang sumugat Gamit ang binibitawang salita Gusto kong mabulag Gusto kong mabulag