Ano ka ba ‘di ka pa rin ba naniniwalang mahal kita Kahit libutin mo man ang buong mundo ay ikaw lang at wala nang iba Peksman mamatay man sila, tayo lamang dalawa Ang magsasama kaya ‘wag ka na diyan magduda-duda pa Madami lang chismis sa akin na ‘di naman talaga totoo Ang ganda ng misis ko kaya pa’no ako mambababae oh ‘Wag ka na ngang magdidikit-dikit Kung kani-kanino sa mga nagsasabi diyan ‘di po ako babaero
‘Di ako babaero ako’y sa ‘yo lang Mula nang makilala ka ‘di na ‘ko ganyan Puro lang imbento yung nagsabi niyan ‘Wag ka maniwala dahil tayo ay walang iwanan
Huwag ka nang maniniwala sa mga sinasabi ng iba ako’y sa ‘yo lang Kasi nung nakilala kita lahat nagbago na sa akin, ikaw ang dahilan Hinihiling ko lang naman na sana’y balang-araw ay ‘wag ka nang maghinala pa Gusto ko lang na tayo’y masaya Wala nang halong duda kasi ikaw lang at wala nang iba
‘Di na ‘ko babaero ako’y sa ‘yo lang Mula nang makilala ka ‘di na ‘ko ganyan Puro lang imbento yung nagsabi niyan ‘Wag ka maniwala dahil tayo ay walang iwanan
Akala siguro na malandi na kasi laging malikot ang mata Pero magmula nang ika’y makita ‘di na muling tumingin sa iba Asahan mong ‘di ka nagkamali, pangakong sa ‘yo lang ‘to tatabi Kahit na marami man diyang naninira sa akin hindi ‘to padadaig Meron na namang nakita sa story ko, nagduda agad e ‘di sorry po Wala naman na ‘kong ibang tinatago sa ‘yo, tigil mo pagwo-worry mo Alam mo naman na mahal kita kahit kailan ‘di magbabago Palagyan man natin ito ng pusta taya kasama pati pato
‘Di ako babaero ako’y sa ‘yo lang Mula nang makilala ka ‘di na ‘ko ganyan Puro lang imbento yung nagsabi niyan ‘Wag ka maniwala dahil tayo ay walang iwanan
Bakit palaging mainit ang ulo mo sa ‘kin sa tuwing yumayakap sa ‘yo Alam mo na ikaw ang pipiliin ko kahit palaging sinasaktan mo ‘Di naman ako gano’n, iba pa ako noon At binago mo ngayon ‘di ba ikaw ang dahilan Kaya ‘wag kang maniwala sa sinasabi ng iba Kasi ‘di ako ganyan Lagi-lagi mo na lang ako na pinaghihinalaan Galit ka ba o masaya hindi ko mahulaan