Bagong Simula – Jem Macatuno

Sa sandaling
Parang hindi mo na alam
Kung sa’n ka pupunta
Tila naliligaw na
Ako ang…
Akong magsisilbing mapa’t ituturo ko sayo
Ang liwanag…
Kahit na, tila nauubusan na ng sagot
Ang lahat…
Asahan mong, mayroon paring
Nakaabang na bukas…

Magliliwanag din ang kalangitan
Mapapatila rin ang ulan
Pagsikat ng araw, muli mong matatanaw
Ang kislap ng pag-asa, oh oh
May bagong simula…

Sa sandaling
Ang bukang liwayway mo’y lumalabo na
Tila di nakikita
Ako ang, antipara mo’t hindi ko hahayaang mawala
Iyong pag-asa…
At kahit na
Tila nauubusan na ng sagot
Ang lahat…
Asahan mong, mayroon paring
Nakaabang na bukas…

Magliliwanag din ang kalangitan
Mapapatila rin ang ulan
Pagsikat ng araw, muli mong matatanaw
Ang kislap ng pag-asa, oh oh
May bagong simula… ohh…
May bagong simula… ohh…

At kahit na
Tila nauubusan na ng sagot
Ang lahat…
Asahan mong, mayroon paring
Nakaabang na bukas…

Magliliwanag din ang kalangitan
Mapapatila rin ang ulan
Pagsikat ng araw, muli mong matatanaw
Ang kislap ng pag-asa, oh oh
May bagong simula… ohh…
May bagong simula… ohh…
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20