Batang-Bata Ka Pa – APO Hiking Society

Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang

Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman
Buhay ay di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan
Na ikaw ay isang musmos lang na wala
Pang alam
Makinig ka na lang
Makinig ka na lang

Ganyan talaga ang buhay lagi kang nasasabihan
Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman
Makinig ka sa ‘king payo pagkat musmos ka lamang
At malaman ng maaga ang wasto sa kamalian

Batang-bata ako nalalaman ko ‘to
Inaamin ko rin na kulang ang aking nalalaman
At nauunawaan
Ngunit kahit ganyan ang kinalalagyan
Alam ko na may karapatan
Ang bawat nilalang
Kahit bata pa man
Kahit bata pa man

Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan
Sariling pagraranas ang aking pamamagitan
Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay
Maging tunay na malaya sa katangi-tanging bata

Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
(Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan)
Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman
(Sariling pagraranas ang aking pamamagitan)
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang
(La la la la la la, la la la la la la…)
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20