Binhi – Arthur Nery

‘Di ko na nadiligan, ang binhi ng iyong pagmamahal
Ayoko nang sapilitang ibuhos ang lahat ng dinadamdam
Ang tangi kong hiling ay mahawakan
Ang iyong mga kamay at daliri habang
Dahan-dahang haplusin ng mga salita
Ang puso mong sabik mayakap ‘pag nag-iisa

Kaya tahan na
Sumandal ka
Hayaan mo na aking paglaruan
Apoy ng ‘yong labi o paraluman

Binibining natutulog
Sa ilalim ng aking mga bulaklak
‘Di mababaon sa limot ang
Ligayang hatid ng ‘yong halimuyak

Alak lamang ang pamunas sa natira
Mong alaalang ‘di kumupas
At kahit na, ipilit ko mang ibalik pa ang dati
Tayo’y mawawala pa rin

Kaya tahan na
Sumandal ka
Hayaan mo na aking paglaruan
Apoy ng ‘yong labi o paraluman

Ilang araw nang nakahiga
Tuluyan na nga bang ako’y ‘yong nilisan
Kahit saglit pwede bang mahawakan

‘Di na kailangang lumayo
Halika sa akin
‘Di na muling mabibigo
Ako ay yakapin

Kaya tahan na
Sumandal ka
Hayaan mo na aking paglaruan
Apoy ng ‘yong labi o paraluman
Ilang araw nang nakahiga
Tuluyan na nga bang ako’y iyong nilisan
Kahit saglit pwede bang mahawakan
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20