Pagmulat ng aking mata Isang maaraw na umaga Bumangon sa aking kama Diretso na sa kubeta Maliligo, maghihilod Mga libag saking likod Magmumumog pagkasipilyo Handa na po ang inyong lingkod
Pagkatapos magsuklay Suot ang bago kong damit Nakahanda akong mamatay Habang ako’y papalapit Sa isang dilag at ang sabi ko sakanya
Itaas ang mga kamay holdap to Ilabas lahat ng pera sa bangko nyo Hindi ko naman talaga balak na gawin ito Para bang ako’y tinulak lamang sa gawi na to Ang gusto ko lamang naman ay tahimik na buhay Kasama ang pamilya ko bawat araw makulay Pag empatyo sa kahirapan ay sadyang nakakaumay Kahit na ang maamong tupa’y tutubuan ng sungay Kay pastor napilitang mamasukan si misis Araw-araw na kinukwento kung gano kamanyakis Kahit di pa nya sabihin kung hanggang saan ang labis Magtiis sa amo na makaraos lamang ang nais Isang araw ang aming anak walang tigil sa pag-iyak Kung bakit ang mga doktor ay hindi makatiyak Anong tunay na galak bakit napakailap Para sa mga mahal puso ko’y nabibiyak Pumasok ako dati kay mayor bilang alalay Utusan sa kahit saan at ano mang bagay Kumatok sa pinto ng kanyang malaking bahay Upang humingi ng tulong para sa aking panganay Tinaboy, kinutsya ako’y hinamak ng ina M’ak madumi na daw ang sahig kung san ako tumapak Ang mundo pala’y makipot akala ko malawak Binitawan ang pag-asa na matagal ko ng hawak Tinawagan ang kumpare para humiram ng bakal Papasok sa pinto naglalakad ng mabagal Labag man sa kalooban hindi ko naman asal Ayoko ng basahin ang nakasulat na bawal Pinuno ng salapi ang dala dala kong bag Tumakbo ng tumakbo palayo at lumundag Sa isang bangin na madilim para kang bulag Nagpalipas ng gabi hanggang sa magdamag Kinabukasan nilagay ang pera sa kahon Saka ko’y kinandado malalim kong binaon Nagpaalam sa mag-anak ko na tanong ng tanong Meron na tayong sagot kahit ako’y makulong Dadalhin ka na anak magpalakas ng katawan Mag-aral kayong mabuti yan ang laging tandaan Ako’y sumuko sa pulis agad akong kinapkapan Nung walang nakatingin saka ako…