Mundo ay maganda Dyos gumawa nito Buhay ay maganda Dyos nagbigay nito Wag mong ikahiya naging itsura mo Tayo’y magkakaiba walang perpekto
Eh ano kung ang ilong mo’y matangos Napakamahal naman ng ginastos Hindi na bale ‘wag lang maging busabos Kaya’t wag mong ikahiya kung ang ilong mo ay pango
Mundo ay maganda Dyos gumawa nito Buhay ay maganda Dyos nagbigay nito Wag mong ikahiya naging itsura mo Tayo’y magkakaiba walang perpekto
Sabihin ang gusto wag mong pipigilin Wag kang plastik yan lang ang aking bilin Sabihin mong lahat wag mong pipiliin Bahala na mabwisit sa amoy panes na hininga