Buhay – Gloc-9

Lagi kang nangangarap
Lagi mong hinahanap
Kay tagal mong hinihintay
Ang inaasam mong tagumpay

Bagong kotse
Sariling bahay
Maraming pera
Iwas tambay
Ito sagot dyan

Simple lang naman ang buhay
Sipag na may kasabay na husay
Simple lang naman ang buhay
Sipag at tiyaga
Upang may mapala

Gising na tanghali na nakatirik na
Araw at biyaya ay may naka kuha nang iba
Yan ang laging sinasabi samin ng aking ina
Pag di ka parin bumanong ay tatamaan ka pa
Mag kape ka na may mainit pa dyang pandesal
At mantikilya huwag mong kalimutang mag dasal
Bilisan mo na bawas bawasan mo din ang pasyal
Tandaan mo lagi na di ka anak ng opisyal
Hindi kami habang panahon nandito sige ka
Baka magaya ka sa iba dito di kita
Pinalaking kulang sa sentido kumon na
Puwede mong gamitin ng pulido kasi nga
Masikip lang ang bangka kaya huwag kang malikot
Tiyagain mo sa harap bantayan mo ang likod
Tapos tandaan ang buhay kaylan may di deremote
Galingan mo muna sa trabaho bago mapromote

Simple lang naman ang buhay
Sipag na may kasabay na husay
Simple lang naman ang buhay
Sipag at tiyaga
Upang may mapala

Sasakay ako ng jeep papunta sa cubao
Lilipat sa bus na hindi crossing ibabaw
Bababa don sa ayala ingat baka maligaw
Bitbit ang bio data may larawang dikit na hilaw
Gamit ay kaning lamig kung tawagin ay bahaw
Kakainin mo parin kahit na medyo nilangaw
Puwede na kahit mababa ang sweldong pinataw
Basta matanggap ako sa trabaho ngayong araw
Makisama sa mga nauna sayo doon
Kahit na kung tratuhin ka lamang nila ay miron
Basta kung di mataas iwasan mong tumalon
Kung walang masasabing mabuti huwag kang tumugon
Masikip lang ang bangka nahuhulog ang malikot
Diinan sa harap pero bantayan mo ang likod
Tapos tandaan ang buhay kaylan may di deremote
Galingan mo muna sa trabaho bago mapromote, ha!

Simple lang naman ang buhay
Sipag na may kasabay na husay
Simple lang naman ang buhay
Sipag at tiyaga
Upang may mapala

Simple lang naman ang buhay
Sipag na may kasabay na husay
Simple lang naman ang buhay
Sipag at tiyaga
Upang may mapala
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20