Buhayin Ang Baybayin – Bless Parco Rodriguez

Chorus:
Halina’t buhayin ang sariling baybayin
Ang wikang filipino ay ating mahalin
Ipagmalaki natin ito nang taas noo
Sapagkat agimat ang ating dugo
Ipakita natin ‘to sa buong mundo
Ang yamang pinamana nang ating mga ninuno
Mga titik nang baybayin labis ang ganda
May hugis puso rin ang kanyang kurba
Makasalamuha man natin silang iba ang kultura
Ang sariling atin wag na wag ikakahiya
Mula sa pagbasa hanggang sa pagsulat
Sa titik nang baybayin, mata’y muling imulat
Taglay na katangian ay nakakamangha
Akin inaasam na maging dalubhasa
Gagawin ko ang lahat para balikan
Kung saan nagsimula ang aking pinanggalingan.
(repeat chorus)
Nasi kong matutunan nang mga kabataan at nang mga susunod na sandigan nang bayan
Sa baybayin isususulat ko ang aking pangalan
Isulat nyo rin po, pakisubukan.
(repeat chorus)
Ako’y pinay na may lahing tagalog at ilokana
Chinita rin na may pagka espanyola (ola!)
Limang taon na akong wala sa bansa
Sa bayan ko, labis na akong nangungulila
(repeat chorus)
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20