Bukas Wala Nang Ulan – Christian Bautista & Janine Teñoso

Tingnan mo ang mga tala
Nakatago lang sa mga ulap
Pero kita mo ang kislap
Kahit malakas pa ang ulan

Aabot hanggang sa malunod
Para bang di ka makaahon
Naghahanap ka ng kakapitan
Sa walang katapusang ulan

Pero ang di mo alam, hindi ka nag-iisa
Nakaagapay sayo, tiwala lang
Masisilayan mo din ang bahaghari
Dahil bukas ay wala nang ulan

Kaylamig na ng hangin
Binalot ka pa ng dilim
Kahit saan ka tumingin
Luha’y dumarating, nananalangin

Pero ang di mo alam, hindi ka nag-iisa
Nakaagapay sayo, tiwala lang
Masisilayan mo din ang bahaghari
Dahil bukas ay wala nang ulan

Darating at haharapin
Tatanggapin at tatawirin mo rin ang bahaghari
Sana’y malaman mo, di ka nag-iisa
Nakaagapay sayo, tiwala lang
Masisilayan mo din ang bahaghari
Dahil bukas ay wala nang ulan
Dahil bukas ay wala nang ulan

Tingnan mo ang isang tala
Wag kalimutan ang iyong kislap
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20