[JMS:] Ito’y para sa naghihintay Ito’y para sa naglalakbay Ito’y para sa naliligaw Ito’y para sa naiinip Ang liham na ito ay para sa ‘yo Buksan mo
[Quest:] Sa bawat araw, oras oras Hanapin ang ‘yong pagkakataon Sa bawat linya ng bawat kwento Sumasalamin ang bawat panahon Sugat at duda, daloy ng luha Sundan ang puso mong nagtatanong Nasa kasalukuyan, ang kasagutan Bumangon ka sa pagkakabaon
[JMS and Quest:] Huwag matakot lakbayin Liwanag at dilim Sa panig mo, mga bituin Kaya mararating mo rin Pangarap, tagumpay Pag-ibig ang gabay Kaya alam kong Darating, darating ka rin
[Choir:] Darating, darating, darating ka rin Darating, darating, darating ka rin
[JMS:] Ilang sandali lang, mahahanap ang hantungan Mapupuspos kang husto. Mapupuno ng kuwento Mag-aalay ng pag-ibig. Maaalayan ng pag-ibig Matutulog nang mahimbing. Gigising nang maligaya Mapagod ma’y masaya. Nandito ang puso Nahanap ang layunin. Nakilala ang galing
Yakapin mo’t ibigin ang bawat sandali Pagkaligaw mo’y ginto. Humulma ng alahas Tawagin mong bukas. Ipunin ang lakas Matagal kang naghintay. Matagal kang naglaboy Naghanda s’ya sa’yo. Maghanda sa kanya Iwaksi ang pangamba. Darating ka na
[JMS and Quest:] Huwag matakot lakbayin Liwanag at dilim Sa panig mo, mga bituin Kaya mararating mo rin Pangarap, tagumpay Pag-ibig ang gabay Kaya alam kong Darating, darating ka rin
[JMS:] Nagpasa man ang mga tuhod mo sa panalangin (Darating, darating, darating ka rin) Napaos man ang tinig mo sa pagbulong sa hangin (Darating, darating, darating ka rin) Namungay man ang mga mata (Darating, darating, darating ka rin)
[QUEST:] Huwag matakot lakbayin Liwanag at dilim Sa panig mo, mga bituin Kaya mararating mo rin Pangarap tagumpay Pagibig ang gabay
[JMS AND Quest:] Kaya alam kong Darating, darating ka rin Darating, darating, darating ka rin Darating, darating, darating ka rin Darating, darating, darating ka rin Darating, darating, darating ka rin