Dagdag Na Alaala – Angela Ken

Siguro nga mabilis ang panahon
Parang dati ay nagkikilalanan lang noon
At ngayon, higit pa sa magkakaibigan ang turingan
Pinatibay ng taon ang ating mga samahan

Mga halakhak nating sagaran, ‘di alam patutunguhan
Mga tampuhang mabagal na hindi nagtatagal
Tambay sa bahay ng isa, libreng meryenda galing kay tita
Sabik na maulit, kasama kaibigan ay isusulit
Para madagdagan ang alaalang itatabi, hmm…

Oh, siguro nga magwawatak-watak ng landas
Pero ang koneksyon ay hinding hindi maaalpas
Dumaan man ang araw, sila pa rin ang natatanaw na…
Iiyak at kakantyaw ‘pag ako ay kinasal… At…

Mga halakhak nating sagaran, ‘di alam patutunguhan
Mga tampuhang mabagal na hindi nagtatagal
Sa klase ‘pag babanyo ang isa, lahat ng tropa ay sasama
Sabik na maulit, kasama kaibigan ay isusulit
Para madagdagan ang alaalang itatabi, hmm…

Higit pa sa magkakaibigan ang turingan
Pamilyang matatawag ang samahan
Hindi lang taga-punas ng luha o taga-bigay ng ngiti
At sila’y hindi ka ikakahiya… o iiwan sa huli…
Pwede bang ibalik?

Mga halakhak nating sagaran, ‘di alam patutunguhan
Mga tampuhang mabagal na hindi nagtatagal
Alam kong ‘di tayp pabata, kaya ginawa ko itong kanta…
Para may balikan na alaalang itinabi, hmm…
Kay sarap balikan ala-alang magkakaibigan
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20