Daloy, dumadaloy ang pighati Patuloy, patuloy lang ang iyong ngiti Bukas, may parating na bagong araw Ang lunas sa mga sugat ay matatanaw
Balewala ang hangin, balewala ang init Panahon mo ay sasapit
Imulat ang mata, harapin mo ang liwanag Huwag nang umatras pa di ka nag-iisa Oh wag mo nang isiping hindi mo kakayanin Huwag nang matakot pa di ka nag-iisa
[Rap]
Minsan, minsan ay madadapa ka Hindi maiiwasan, bangon lang ng iyong makita Ang bukas, huwag bitawan ang pag-asa Ang mundo’y di magkukusa, kaya kilos na
Balewala ang uhaw, balewala ang init Panahon mo ay sasapit
Imulat ang mata, harapin mo ang liwanag Huwag nang umatras pa di ka nag-iisa Oh wag mo nang isiping hindi mo kakayanin Huwag nang matakot pa, di ka nag-iisa
[Rap]
Imulat ang mata, harapin mo ang liwanag Huwag nang umatras pa di ka nag-iisa Oh wag mo nang isiping hindi mo kakayanin Huwag nang matakot pa, di ka nag-iisa