Di Ko Akalain – Alex Gonzaga

Kanina pa kita hinahanap
Ngayon bigla kang dumating
Pero ba’t ganoon?
Wala ako maramdaman ni katiting
Parang kailan lang
‘Di makatulog sa kakaisip sa iyo
Parang kahapon lang
Nang inamin ko sa sarili ko
Na may gusto ako sa’yo

Di ko akalain, na mahahantong ‘to sa ganito
Akala ko kasi, ikaw na talaga
Di ko akalain, na mawawala pa pala ang nadarama
Pero wala tayong magagawa
Wala tayong magagawa

Kanina pa kita tinititigan
At ang gwapo mo pa din
Ngunit maari nga bang noon ako’y tulog
At ngayo’y nagising
Siguro talaga
Napapagod din ang pusong magmahal
Siguro talaga
Malakas ang tama ko noong una
Ngayo’y wala na talaga

Di ko akalain, na mahahantong ‘to sa ganito
Akala ko kasi, ikaw na talaga
Di ko akalain, na mawawala pa pala ang nadarama
Pero wala tayong magagawa
Pero wala tayong magagawa

Bentang benta, masarap kahit mahal
Urong sulong, nagmukha akong hangal
Bagyong pag-ibig, na maraming nabuwal
Tanging inisip ko’y ika’y aking mahal

Di ko akalain, na mahahantong ‘to sa ganito
Akala ko kasi, ikaw na talaga
Di ko akalain, na mawawala pa pala ang nadarama
Pero wala tayong magagawa
Di ko akalain, na mawawala pa pala ang nadarama
Pero wala tayong magagawa
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20