Diskaril – Kjah, Yeng Constantino & Raymund Marasigan

Juskopo! Heto na naman muling magmamahal
Huling beses ginawa ‘to muntik magpatiwakal (diskaril)
Pwede bang pigilan? puso makisama ka naman
May benda pa ang pinsala ng nagdaang kahibangan (diskaril)
Ako’y sawa na sa pangako, pagalit na tanga ko
Pagbibingi-bingihan sa kabi-kabilang payo (diskaril)
Ay nagdulot ng delubyo kala ko kaligayahan to
Ngiti isang minuto, lungkot ay dalawang siglo (diskaril)
Bakit ba, kahit na ang dinanas ay malala
Pag may dumating mas pinipili pa ring maniwala (diskaril)
Parang may paligsahan ang saya at kabiguan
Sa kasamaang palad, luha ang palaging lamang (diskaril)
Bagong tsansa nga ba o nagmamadali?
Malakas ang kutob, hindi ka pwedeng magkamali (diskaril)
Yan din ang sinabi mo noon at walang nakapapel
Tapos di mo namalayan, bigla kang nadiskaril (diskaril)

Nang sinubukan mo’y aminado kang marupok
Di pa alintanang pwede ka palang ma (diskaril)
Ito ang klase ng larong hindi maaarok
Kahit anong ingat walang takas pag na (diskaril)
Ngunit kapag kausap ka hindi inaantok
Binabagabag na baka ako’y muling ma(diskaril)
Sinantabi ang pangamba, sa ngalan ng kahel
Umaasang sa piling mo’y hindi ma (diskaril)
Nagsilbi kang panauhin sa teatrong abandonado
Nakalimutan kong dati akong na (diskaril)
Binuhos ang buong tiwala
Wagas na pagibig na kamatayan lamang ang kayang maka (diskaril)
Hanggang nahuli kitang may kahalikan, sana’y surpresa
Ang katinuan ko ay agad na (diskaril)
Binalikan ka dala ang mamahaling baril
Ubos bala sa katawang mong madi (diskaril)

Bakit meron bang ganyan? Di ko maintindihan
Kahit na anong gawin
Kahit sa huli binigay mo lahat di napuno di sumapat

Nang sinubukan mo’y aminado kang marupok
Di pa alintanang pwede ka palang ma (diskaril)
Ito ang klase ng larong hindi maaarok
Kahit anong ingat walang takas pag na (diskaril)
Ngunit kapag kausap ka hindi inaantok
Binabagabag na baka ako’y muling ma(diskaril)
Sinantabi ang pangamba, sa ngalan ng kahel
Umaasang sa piling mo’y hindi ma (diskaril)
Nagsilbi kang panauhin sa teatrong abandonado
Nakalimutan kong dati akong na (diskaril)
Binuhos ang buong tiwala
Wagas na pagibig na kamatayan lamang ang kayang maka (diskaril)
Hanggang nahuli kitang may kahalikan, sana’y surpresa
Ang katinuan ko ay agad na (diskaril)
Binalikan ka dala ang mamahaling baril
Ubos bala sa katawang mong madi (diskaril)

Diskaril
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20