Naaalala mo pa ba nung sabay tayong bumabyahe Nangangarap na balang araw ika’y lalagi sa tabi Ngayong nakamit na ang dalangin Bakit ramdam pa ang hapdi
Ngayong wala ka na sa akin at masaya ka sa kanya Kahit noon pangako sa’tin na kaibigan lamang s’ya Ngayo’y iiyak na lang sa hangin Pa’no ba magmahal ng iba?
Hindi tayo perpekto pero walang hihigit pa sayo Hindi lubos maisip, pa’no natin narating ang dulo Wala bang saysay ang lahat ng sinulat sa’kin? Kasama nung una, ngayon mag-isang babalik
Lahat sila walang masabi Dahil laging ikaw ang bukang bibig Walang ibang nakakaalam Kung sino ka aking unang pag-ibig Bukas mag-isang tatahakin Parang dulo ay ikaw pa rin
Hindi tayo perpekto pero walang hihigit pa sayo Hindi lubos maisip, pa’no natin narating ang dulo Na wala bang saysay ang lahat ng sinulat sakin? Kasama nung una, ngayon mag-isang babalik
Sa sinag ng ilaw, at bawat daan Ang tanging naaaninaw, ay laging ikaw Kahit na ika’y lumisan Bakit mahal pa rin kita oh…
Bawat yakap may hawak na anino mo Ang ‘yong tinig lumilingid sa ingay ng mundo Kahit na anong pagtama Bakit mahal pa rin kita ah…
Hindi tayo perpekto pero walang hihigit pa sayo Hindi lubos maisip, pano natin narating ang dulo Wala nang saysay ang lahat ng sinulat sakin? Walang hanggan sana ngayon mag-isang babalik Walang hanggan sana ngayon mag-isang babalik