Kahit pumikit Kitang kita sa bintanang maliit Maalat na tubig Pupunasan ng panyong punit punit Kahit tahimik Bakit tila di ako naririnig Kamang masikip Ang mag hahatid sayo hanggang langit Silayan kahit sa huli
Anong okasyon? Bakit ang dami kong dalaw? Meron pang rasyon Biskuwit at kapeng umaapaw Kaibigang ngayon ko nalang nakaulayaw Ng ilang taon Parang espesyal na araw
Hoy pare bakit ka napadaan? Huwag mong sabihin na mangungutang ka nanaman
Bat di mo subukan na gumawa ng paraan nang mabayaran mo yung nakuha mo nung nakaraan?
Di bale na para sa inaanak ko nalang Pero tol baka puwedeng maawa ka naman
Tama nang batak humatak kaya palaging may sapak kailan mo kaya lubusang maiintindihan?
Alak sugal bato batopik Lumang baraha talunan sa tongits
Taguan sa parak tatakpan ka ng komiks Tanong mo sa sarili mo Pano ba toits
Wala kang mapapala maniwala ka Samin
Dito ay hindi nag babago ang ihip ng hangin
Kung walang makasama pilitin mong kausapin Alam naman natin na puwede kang magaya sa akin
Anong okasyon? Bakit ang dami kong dalaw? Meron pang rasyon Biskuwit at kapeng umaapaw Pamilyang ngayon ko nalang nakaulayaw Aking propesyon Lahat ng oras ko’y ninakaw
Aking asawa’t mga anak Lakas ko na syang nag tutulak Upang kayanin ko ang lahat Hanggang ako’y di na mamulat
Aking asawa’t mga anak Patawad kung kayo’y nasadlak Sa ganitong buhay Nga pala may perang naka padlock
Kahit pumukit Kitang kita sa bintanang maliit Maalat na tubig Pupunasan ng panyong punit punit Kahit tahimik Bakit tila di ako naririnig Kamang masikip Ang mag hahatid sayo hanggang langit Silayan kahit sa huli
Anong okasyon? Bakit ang dami kong dalaw? Meron pang rasyon Biskuwit at kapeng umaapaw Bakit po ngayon ko lang kayo nakaulayaw? Habang panahon Marami lang gustong malinaw
Huwag nyo po sanang masamain Kung ano man itong bagay na aking gagawin Hindi naman po galit ang mga nakatanim Kundi mga hinaing na binubulong ng palihim Alam ko po na malabo akong makarating Sa bahay nyong malayo pa sa mga bituwin Isa lamang po naman ang tangi kong hiling Lahat ng aking mga katanungan inyong sagutin Bakit may mga sakit na hindi malunasan? Luha ng mga bata na hindi mapunasan Mga may kasalanan na hindi maposasan Dungis sa kababaihan na di mahugasan Bakit may gutom sa hirap ay lubog? Habang ang iba’y parang hindi nabubusog Siguro ay hindi na kayo mapagkatulog Sa tunog kapag sabay sabay kaming dumudulog Bakit may limos ano ba ang bigay? Bakit may anak na nauunang mamatay? Sa mga magulang para ilibing Lungkot na wala yatang dapat makatikim Mga aral na tinuturo at nag mula sa Mga salitang sinulat nyo daw at pinasa Sa mga tao na nag uutos ng kabutihan Pero bakit may mas mabuti pa na di nakabasa Sila pong mga naiwan sa tahanan Nyo Di naman dinidiligan ang halaman Nyo Gamit ang perang nahakot sa pangalan Nyo Sinasabi ko lamang para malaman Nyo…