Eroplanong Papel – December Avenue

Sandali, wag kang
Mapupuno sa paghihirap
Darating din ang pag-asa
Mong pinapangarap’
Di ba sapat na ika’y mayro’ng pag-ibig
Nasa puso mong hindi maipapalit
Ika’y ngumiti
Ihip ng hangin sa kamay mong malamig
Daing na tinig, nasa aking pandinig
Liliparin ang isipan mo’t damdamin
Makarating pa kaya sa kanyang piling?
Ika’y pumikit
Kung panalangin ko’y ‘di marinig
Abutin man ng bawat sandali
Kailangan kong isigaw, ako’y iyong iyo
Ang dalangin ng puso’y ikaw
Sandali, ‘wag mong
Pigilan ang iyong pagluha
Damdamin mo’y aahon
Sa tumigil na tadhana
Aabutin ng ‘yong palad ang hangarin
Makarating pa kaya sa kanyang piling
Ika’y pumikit
Kung panalangin ko’y di marinig
Abutin man ng bawat sandali
Kailangan kong isigaw, ako’y iyong iyo
Ang dalangin ng puso’y ikaw
At kung sa bawat higpit
Ng aking pagdaramdam
Ay hindi ka malapitan
Makikiusap na lang
Kung panalangin ko’y ‘di marinig
Abutin man ng bawat sandali
Kailangan kong isigaw, ako’y iyong iyo
Ang dalangin ng puso’y ikaw…
Ang dalangin ng puso’y ikaw
Ang panalangin sana’y marinig
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20