Gaano Kalayo? – Maja Salvador (feat. Sam Milby)

Aking naaalala una nating pagtagpo
Natatandaang lubos lahat ng ating pangako
Kung ano mang hadlang ang sa att’y dumating
Hawak kamay tayo’t sabay nating harapin
At kung mawalay man (kung mawalay man)
Hihintayin kita (hihintayin kita)
Ipapanalangin ko na sana’y tayo’y magtagpo muli

Gaano kalayo ba ang dulo ng walang hanggan
Paano ba natin susukatin ang magpakailanman
Kung saan ka man o giliw (kung saan ka man o giliw)
Sana ay iyong dinggin (sana ay iyong dinggin)
Isang panalangin ang sasambitin
Bumalik ka na sa akin

Isang libo at isang patak ng luha man ang dumaloy, umasa kang maghihintay pa rin
Mahal saan ka na ako ba’y iyong naaalala pa
Iyong haplos, iyong halik di makalimutan kailan man

Saan ka na nagdrurugo ang puso ko
Naghahanap sa dilim, sa liwanag
Hilaga kanluran timog silangan
Ba’t nawalay pa (ba’t nawalay pa)
Hihintayin kita (hihintayin kita)
Ipapanalangin ko na sana’y tayo’y magtagpo muli

Gaano kalayo ba ang dulo ng walang hanggan
Paano ba natin susukatin ang magpakailanman
Kung saan ka man o giliw (kung saan ka man o giliw)
Sana ay iyong dinggin (sana ay iyong dinggin)
Isang panalangin ang sasambitin
Bumalik ka na sa akin
Isang libo at isang patak ng luha man ang dumaloy, umasa kang maghihintay pa rin

Gaano kalayo ba, ang dulo ng walang hanggan
Paano tawirin ang tulay ng pag-ibig
Isang libo at isang patak ng luha man ang dumaloy, umasa kang ako’y narito pa

Gaano kalayo ba ang dulo ng walang hanggan
Paano ba natin susukatin ang magpakailanman
Kung saan ka man o giliw (kung saan ka man o giliw)
Sana ay iyong dinggin (sana ay iyong dinggin)
Isang panalangin ang sasambitin
Bumalik ka na sa akin
Bumalik ka na
Bumalik ka na sa akin
Gaano katagal ang magpakailanman
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20