Sa buhay ng tao ay normal lang naman sumabit Kung sumabit ka sana naman wag ng gumamit Pipilitin ngumiti kahit halatang balisa pakiramdam mo Ikaw ang palaging nasa gitna Maya’t Maya ang iyong tingin sa iyong kana’t kaliwa Di makatulog kahit maghapon ka ng nakahiga Tipong pag kargado ka di ka pwedeng mabigla Matapik ka lang ng konti ika’y ready mandigma Diba tama Kung iisipin di astig ang tama Di na nga tama nangyayari gumagawa ka pa ng di tama Maling mali yan at kailan man di magiging tama Ang magiging tama mo lang dyan tamang hinala kahit Anong hithit mo dyan walang hiwagang mangyayari Maniwala ka mas lalo lamang lalala yan pare Wala, wala, wala walang mapapala Mas lalo lang yan lalala pag hindi ka nakawala
Dose anyos na batang babae nagbebenta ng puri Sa mura niyang edad ang dami na niyang suki Bakit mo ginagawa yan iha para kay mama Para hindi na sila magaway pa ni papa Anong klase kang magulang kinaya mo yon Sabog ka! Habang anak mo hinahalay doon tama na tulog tulugan Gumising na kayo ginagawa niyo na lahat makabili lang ng shabu Pagnanakaw, panghoholdap At pang bubugaw ‘bat giyang na giyang na ang mundo parang gugunaw Ubos na ang mga ngipin at ang lalim na ng mata ‘Di ka ba pwedeng kumalma bakit ka lagi taranta Pano na ung mga anak niyo pag nagkatokhangan Makikita kayong may karatulang na wag tularan Alam kong kaya niyo pa Kaya niyo pang lumaban May plano ang Diyos sa inyo wag niyo lang pangunahan
Binulag ng kaaway ang iyong paningin Di mo nakita ang liwanag masyadong madilim Ika’y lumapit inakit sa umanoy ng kasalanan Habang nagkakasiyahan di mo namamalayan Na ikaw pala’y nasa puder ng kasamaan At wala na silang balak pang ika’y pakawalan At pag kinapos at naghigahos lapit sa Diyos Dahil ang pagibig niya sa atin ay laging taos Aming Amang hindi mapanghusga, kailangan kita Tulungan po ninyo akong maisalba sila Ang buhay ay umiiksi hindi yan humahaba Lahat tayo tumatanda hindi ka bumabata Mahirap ang buhay kung iisipin mong mahirap Kaya kahit tinatamad pipilitin kong magsikap Kahit anong sitwasyon basta tama ginagawa mo Wag matakot sa mga sasabihin ng ibang tao sayo