Yan nanaman kamot nanaman ano ba yan andami ng papel dun sa basurahan Ansabe ng konsensya mo nako itulog mo na yan Ansabe mo naman sige sigi mga sampu nalang Na linya at maaayos ko na to Kulang sa oras sana bukas ay matapos ko na to Medyo malayo pero dapat lang na magawa ko Ang dati kong libangan ginawa ko nang trabaho Kapag pinasok mo tapusin mo tapusin Natural pag nag ipon meron kang sasalukin Walang palugit sarili moy hamunin Palalagi dapat dahil yan ang dapat mong talunin Matulin ang takbo kaya madadapa karin Habang bumibigat ang pangalan mas mahirap dalhin Ondoy, pedring, milenyo man ang humarang sa daan Tandaan walang unos na hindi kayang lampasan
Kung meron ka problema takpan mo lang ang tenga [x3] At ang isipin mo la la la lala lala Lala la la la lalalalah…
Hi miss kamusta Alam kung may nagawang kasalanan yan ay tapos na Matagal ko nang pinagsisihan pero ayos ba Na maaya kita sa labas kahit san magpunta Gusto ko lang na bumawi Pagpasensyahan mo na ko sa pinakita kong ugali Ang sa isip ko tuloy parang meron sumagi Sana maging tayo ulit kahit kunware Liligawan ka ulit pupunan ng parte Akong taya kaya tara maghabulan sa parke Alam ko na marami ka nang manliligaw dyan Sino ba ko para mag demand ay kaibigan lang Kaya ako nandito gusto ko mag umpisa Sa bahay ng isa’t isa diba palagi kumbida Ganyan dati pero tapos nakong magsalita Sa harap ng salamin kasi meron kanang iba Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa Lumabas ka ng bahay ng sa ganun may magawa Bulag ka lang sa una matuto kang mangapa Kung mapahiya ka man hindi na yon mahalaga Tatlong beses kang kumain sa loob ng isang araw Yung iba tipid tipid lang sa sabaw at kaning bahaw Tatlong beses kang kumain sa loob ng isang araw Yung iba galing sa basura inaamag linalangaw Wala ka na ngang ginagawa puro kapa reklamo Hindi mo pa nga nararanasan na maging dehado Lahat na kaarawan mo palaging may regalo Kailanman hindi kapa nakakahawag ng centavo Pag nagpalit tayo maaga kang mamamatay Kalokohan ang lahat ng tao ay pantay-pantay Isang kahig isang tuka kumakayod hangang gabi Dukha man kung tawagin may pangarap din kami
Kung meron ka problema takpan mo lang ang tenga [x3] At ang isipin mo la la la lala lala Lala la la la lalalalah…
Kung meron ka problema takpan mo lang ang tenga [x3] At ang isipin mo la la la lala lala Lala la la la lalalalah…