Hanggang Sa Muli – Angela Ken (from “How To Move On in 30 Days” soundtrack)

Mahirap sa umpisa
Kumakapa sa dilim
Parang ayaw na bumangon
Kung di naman ikaw ang kapiling

Ayaw imulat ang mata, pero kailangan (kailangan)
Titiising maging tanga, kaso dapat na kitang bitawan

Salamat sa lahat
Sa ngiti, sa iyak
Pero heto na heto na ang huli
Salamat sa pagpaparamdam na ako’y sapat
Pero heto na heto na ang huli
Salamat, hanggang
Hanggang sa muli…

Mahirap muli ang mag-isa
Pero mainam nang tanggapin
Na ikaw ay meron ng iba
Oh, kay bilis ng ihip ng hangin

Ngayon napagtanto ko na
Di mo ko kailangan
Lalakasan ang tiwala
Sa sarili na ito’y malalampasan
(At sasabihin…)

Salamat sa lahat
Sa ngiti, sa iyak
Pero heto na heto na ang huli
Salamat sa lahat
Salamat sa pagpaparamdam na ako’y sapat
Pero heto na heto na ang huli
Salamat, hanggang
Hanggang sa muli…

Hahakbang na papalayo
Sa dating tahanan
Ako na ngayon ay liliko
At haharapin ang katotohanang
Tayo’y malaya na
Sa isa’t isa
Oo, heto na heto na ang huli maninibago man, alam kong meron akong natutunan
Ibabaon ko lahat ng sandali
Kaya naman salamat, sa lahat
Huli konang salamat… paalam
Hanggang sa muli
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20