Tahimik ang aking paligid Pati ang aking isip, walang diwang kumukuliglig Malinaw, ‘sing liwanag ng araw ang daang aking tinahak Ang mundo’y aking kasayaw
Mga pangarap na natupad Mga panaginip na naging katotohanan Naghabol at umakyat Ngunit ang lakbay ay mahaba pa, at ako’y hinihingal
Kay layo ng linakad ko Upang makarating sa kung saan ako nakatayo ngayon Kailangan mo nang huminto Parating na ang dapit-hapon Manalangin, mag-pahinga, pumikit Hingang malalim
Alaala, nagbibigay ng ginhawa Kapag ang bukas ay puno ng anino ng kawalan
Mga pangarap na natupad Mga panaginip na naging katotohanan Naghabol at umakyat Ngunit ang lakbay ay mahaba pa, at ako’y hinihingal
Kay layo ng linakad ko Upang makarating sa kung saan ako nakatayo ngayon Kailangan mo nang huminto Parating na ang dapit-hapon Manalangin, mag-pahinga, pumikit
At pagdating ng bukang-liwayway Babangon, maghahanda At lahat ay ibibigay muli
Kay layo ng linakad ko
Kay layo ng linakad ko Upang makarating sa kung saan ako nakatayo ngayon Kailangan mo nang huminto Parating na ang dapit-hapon Manalangin, mag-pahinga, pumikit Hingang malalim