Hinuha – Alisson Shore

Handa ka na bang lakbayin ang mga imposible?
Pahiram ng sandali, nakakapit sa sambit mong uyayi
Hindi mapakali, bakit hindi ‘to madali
Wala namang katibayan na natanggap
Ngiti mo lang nagsabi saking totoo ang lahat
Hindi pala sayo nahanap
Hindi ko alam

Pinagtanto tayo sa simula ng libro
Ngunit di rin tayo umabot sa dulo ng ating kwento
Ang isang katulad mo puno ng misteryo ang iyong pagkatao (yung sana sigurado)
Makakauwi ako sa tahanan ko sa yakap at lambing mo (hindi pabago bago)
Nakakalumbay isipin
Baka lang sa takip silim
Ang iyong yakap ay iniisip at
Hindi na matandaan ang higpit
Dito ka muna maari?

Sigurado ka na ba sa’yong pagalis
Parang may pinapahiwatig
Bawat binitawang salita hindi na mababawi
Pilit kumakapit sa pahiwatig

Ako ba’y para sayo
O lahat di totoo
Di naba kailangan ulit ulitin sayo
Na ako ay sayo lamang
Di na ba matandaan
Ang pagibig kong itoy’y walang hanggang
Ang pagibig moba ay hinuha lang?

Bakit kapa bumalik
Kung aalis ka lang ulit
Nagugulumihan ang isip
Nakikita sa panaginip
Bawat letrang narinig
Ang kahulugan nga ba’y pagibig
Kailan ba matatahimik?

Nakakalumbay isipin
Baka lang sa takip silim
Ang iyong yakap ay iniisip at
Di na matandaan ang higpit

Sigurado ka na ba sa’yong pagalis
Parang may pinapahiwatig
Bawat binitawang salita hindi na mababawi
Pilit kumakapit sa pahiwatig

Ako ba’y para sayo
O lahat di totoo
Di naba kailangan ulit ulitin sayo
Na ako ay sayo lamang
Di na ba matandaan
Ang pagibig kong itoy’y walang hanggang
Ang pagibig moba ay hinuha lang?

Di na aasa pa
Sa salita
Di na aasa pa
Sa salita
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20