Huwag Kang Matakot – Reese Lansangan (originally by Eraserheads)

Huwag kang matakot
‘Di mo ba alam nandito lang ako sa iyong tabi
‘Di kita pababayaan kailan man at
Kung ikaw ay mahulog sa bangin ay sasaluhin kita

‘Wag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako
‘Wag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot

Huwag kang matakot
Dahil ang buhay mo’y walang katapusan
Makapangyarihan ang pag-ibig na
Hawak mo sa ‘yong kamay
Ikaw ang diyos at hari ng iyong mundo
Matakot sila sa’yo

‘Wag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako
‘Wag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo naman ako
‘Wag kang matakot na magmukhang tanga
Kasama mo naman ako
‘Wag kang matakot sa hindi mo pa makita
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot

Huwag kang matakot
‘Di mo ba alam nandito lang ako
Huwag kang matakot
‘Di mo ba alam nandito lang ako
Huwag kang matakot
‘Di mo ba alam nandito lang ako sa iyong tabi
‘Di mo ba alam nandito lang ako
Huwag kang matakot
‘Di kita pababayaan kailan man
Dito na lang ako
‘Di kita pababayaan kailan man
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20