Halata ba sa aking mga mata Na ako’y may nais padama Ngunit akoy nangangamba Baka may masaktang iba
Halata ba sa kilos ko’t galaw Puso ko’y may nais isigaw Ngunit di mabigkas ng labi Nagaalangan kung tama o mali
Ano bang dapat kong gawin sa magulong isip at damdammin Di ko yata kayang sabihin Wala na kong magagawa kundi Ibulong sa hangin
Halata ko sa yong mga mata Na mayroon kang nais pabatid Sana’y hanggang dito na lamang pagkat ayaw ko ring masaktan
Ano bang dapat kong gawin sa magulong isip at damdamin di ko yata kayang sabihin Wala na akong magagawa kung di ibulong sa hangin
Sa hangin kita hahagkan at yayakapin Wag kang magalala hindi ito malalaman ng iba, ng iba…
Ano bang dapat kong gawin sa magulong isip at damdamin Hindi ko yata kayang sabihin Wala na akong magagawa kung di Ibulong sa hangin Wala na akong magagawa kung di Ibulong sa hangin…