Nandito na tayo, sa simula ng ating dulo Bukas na ba talaga ang pinto Patungo sa malayo, sa malaya mong mundong Inubos ang tibok ng puso
Sana sa ating pag gising kalimutan ang lahat Unti unting pupulutin pirasong nagkalat Kamay mo’y ‘di bibitawan bubuksan ang aklat Ang kwento ng ikaw at ako Tayo ang sumulat Tayo ang sumulat
Sumuko sa kahapon Nais ko lamang magtanong Sapat na nga ba siya sa ngayon Umasa sa pangako Pangako na ‘di maglalaho Wala na ba talagang totoo
Sana sayong pag gising kalimutan ang lahat Unti unting pupulutin pirasong nagkalat Kamay mo’y di bibitawan bubuksan ang aklat Ang kwento ng ikaw at ako Ikaw ang sumulat Ikaw ang sumulat
Dahil sa aking pag gising kakalimutan ang lahat Di na kayang pulutin pirasong nagkalat Kamay mo ay bibitawan isasara ang aklat Ang kwento ng ikaw at ako Kayo ang sumulat Kayo ang sumulat