Ikaw At Ikaw Pa Rin – Sam Mangubat

Sabi nila di na daw maibabalik sa dati
Ang masayang naglaho na
Anong bilis ng pagsibol ng saya sa ati’y
Pag-ibig na ang nadama

Bat ‘di ko maintindihan
Saan nanggagaling ang bigat na pasan

Kung maibabalik ko lang
Ang panahon na minsang
Naglapit sa atin, awit ng damdami’y
Ikaw at ikaw pa rin
Himig ba’y naglaho na
Naging ‘stranghero sa saya
At kahit na masakit, puso’y puno ng pait
Ikaw at ikaw pa rin
Ikaw at ikaw pa rin

Sabi nila lahat ng sugat ay gumagaling sa
Paglipas ng mga bukas
Kung pag-ibig nga ang nagtulak sa ating damdamin
Sapat na bang bitiwan na

Ang yong kamay na lumalamig
‘Sang libong tsansang naging lingid

Kung maibabalik ko lang
Ang panahon na minsang
Naglapit sa atin, awit ng damdami’y
Ikaw at ikaw pa rin
Himig ba’y naglaho na
Naging ‘stranghero sa saya
At kahit na masakit, puso’y puno ng pait
Ikaw at ikaw pa rin
Oh oh oh, oh oh
Ikaw at ikaw pa rin
Oh oh oh, oh oh
Sigaw ng damdamin

Kung maibabalik ko lang
Ang panahon na minsang
Naglapit sa atin, awit ng damdami’y
Ikaw at ikaw pa rin
Himig ba’y naglaho na
Naging ‘stranghero sa saya
At kahit na masakit, puso’y puno ng pait
Ikaw at ikaw pa rin
Oh oh oh, oh oh
Sigaw ng damdamin
Oh oh oh, oh oh
Sana’y ako pa rin
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20