Ipagpatawad Mo – Gloc-9

Ipagpatawad mo aking kapangahasan
Ang damdamin ko sanay maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa’yo ayaw nang lumayo
Ipagpatawad mo Ako ma’y naguguluhan
Dika masisi na ako ay pagtakhan
Dina dapat ako pagtiwalaan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa’yo ayaw nang lumayo
Ipagpatawad mo minahal kita agad

Mic check 1, 2
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
Matagal ko nang gustong sabihin sa’yo to
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
Kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
Lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
Sa aking pedikab ako’y maghihintay

Nang ikaw ay unang beses kong masilayan
Diko malaman bakit nagkaganito
Inutusan lang naman ako nang aking inay na pumunta nang palenket bumili nang pito pito
Sinigang sa miso
Ang ulam namin sa umaga tanghali hapunan abutin man nang gabi
Pabalikbalik mang lumakad sa harapan nang inyong tindahan kahit wala akong pera na pambili
Nilakasan ang loob at nilapitan kita
Baka sakali na pwede kitang maimbita
Kahit di gaanong maayos ang aking suot
Ang polo ko na kulubot
Pagkatapos ako’y nagsalita
Mawalang galang na miss
Teka wag kang mabilis
Lumakad yo pwede ba kitang maihatid
Gamit aking pedikab
Na aking pinakintab
Wag ka nang magbayad sana sa akin ay bumilib
Ako nang magdadala nang payong at nang bag mo
Palaging kong pupunasan ang mga libag mo
Kahit di ako ang pinapangarap hinahanap pag kaharap ay palaging binibihag mo
Ang katulad kong maralitang umiibig at pilit na inaabot ang mga bituin
Gano mang kadaming salitang aking ipunin balutin ilihim sabihin ang tangi kong hiling
Makinig ka sana sakin…

Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
Matagal ko nang gustong sabihin sa’yo to
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
Kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
Lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
Ang aking sidecar laging naghihintay

Halika na saking pedikab girl
Sakin ma in love girl
Ipapadama ko sa’yo
Habang umaandar aking pedikab girl
Laging sa’yo lang girl
Pagibig kona ganito
Kahit ano pang iyong gustong gawin
Kapag nababagalan ay kayang kaya ko nang pabilisin
At kahit na ano pang hirap ay hindi ko pansin
Mga daan na matarik ay aking pipidalin
Paligin ikaw ang nilalaman nang aking isipan mapaaraw man oh mapa gabi
Dika idadaaan sa putik kaw lamang nakaukit sa puso ko kahit mapasaisang tabi
Sa pagsikat nang araw inaabangan kana
Makita lamang ang iyong mga magandang mata
Palagi ko dinadalangin kahit di mapa sakin ay lagi kong sinasabi na mahal kita
Pero ang buhay ay talagang napakapait
Di pwedeng sumabay ang tag ulan sa tag init
Bakit laging minamaliit
Diko pwedeng makamit ang katulad mo pilitin komang dumikit
Pasensya kana sa wallet ko na manipis
Sa mumurahing pabango na dimo matiis
At kung hindi talaga di pwede sabihin molang sa akin asahang hinding hindi ako maiinis
Dahil tubig at langis

Minahal kita agad
Matagal ko nang gustong sabihin sa’yo to
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
Kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
Lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
Sa aking pedikab ako’y maghihintay

Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
Matagal ko nang gustong sabihin sa’yo to
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
Kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
Lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
Ang aking sidecar laging naghihintay

Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
Lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
Sa aking pedikab ako’y maghihintay
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20