Kabado – Adie

Hmm…
Hmm…
Hmm…

Hahakbang palapit sa ‘yo
Kabadong hinahabol ang paghinga
Baon ang mga salitang para sa ‘yo lang
Himig ng dibdib kumakabog dito sa silid
Kung saan parang tayo lang
At walang nakapaligid

Heto na ‘ko
Lalapit na sa ‘yo
Ipapadama na ang
Nadaramang

Pag-ibig, hmm na para sa ‘yo lamang
Walang iba, ‘lang iba…
Oh, para sa ‘yo lamang ako, sinta

Sasabay sa mabagal
Na tugtugin ang ating mga paa at pag-iisa
Bawat galaw
Sa ating sayaw
Natatanaw ka na sa araw-araw

Heto na ‘ko
Lalapit na sa ‘yo (heto na, heto na)
Ipapadama na ang
Nadaramang

Pag-ibig, hmm, na para sa ‘yo lamang
Walang iba, ‘lang iba
Oh, para sa ‘yo lamang ako, sinta

Ibang-iba ang nadarama
Habang tayo ay magkasama
Gumagaan aking pakiramdam
Sa ‘yo ako itinakda
Tayo lang ang para sa isa’t isa
Paligid ay gumiginhawa

Ibang-iba ang nadarama (ibang-iba)
Habang tayo ay magkasama (ibang-iba)
Gumagaan aking pakiramdam (ibang-iba)
Sa ‘yo ako itinakda
Tayo lang ang para sa isa’t isa
Paligid ay gumiginhawa

Kahit na kabado
Sa ‘yo lang tutungo
Kahit na kabado
Sa ‘yo lang ako
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20