Kahit Na – Ogie Alcasid

Kahit na ikaw pa ay lumisan
Halik mo’y di ko na malilimutan
Lalo na’t ikaw pa lang ang minahal
Sa simula’t katapusan, ikaw lamang
Ang nagbigay kahulugan sa king buhay

Kahit na ikaw pa ay lumimot
Mundo ko’y tutuloy sa pag-ikot
Ang bituin akala mo’y naglalaho
Yun pala sa ulap lang nakatago
Katulad ng pag-ibig mong mapaglaro

Di ba sa simula sinabi mong walang matitiyak
Kaya’t ligaya habang kapiling mo’y isiping di magwawakas
Di kita pipigilan kailanman magbago ng isipan
Habang kapiling ka ligaya’y walang hanggan

Lalo na’t ikaw pa lang ang minahal
Sa simula’t katapusan, ikaw lamang
Ang nagbigay kahulugan sa king buhay

Di ba sa simula sinabi mong walang matitiyak
Kaya’t ligaya habang kapiling mo’y isiping di magwawakas
Di kita pipigilan kailanman magbago ng isipan
Habang kapiling ka ligaya’y walang hanggan
Kahit na…
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20